Pamahiin Trese: Malas ka nga ba?

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Tunghayan natin ang Pamahiin Trese.

 

SABI ng mga nakararami, may kung ano raw nakabalot sa numerong ito na maaaring magbigay ng kamalasan. 

Totoo nga ba ito?

Makikita natin sa mga palabas ay makakapagbigay ito ng kilabot sa atin kaya nga kapag mayroong numero trese ay nandoon din si Kamatayan. Kaya nga raw kapag sumasapit ang Biyernes a trese ay marami ang magpapaalala sa’yo na kailangan mo raw talagang mag-ingat.

Bakit nga ba?

Ang mga masasamang espirito ay aktibo ng Biyernes at ang numero 13 ay odd number. Ibig sabihin, wala siyang ka-partner kaya naghahanap siya ng kapares. Kung ganoon kapag pinagsama ang Biyernes at numero 13 ay bad luck. Maraming negosyante na naniniwala na malas talaga ang numero trese kaya halos lahat ng building ay walang 13th floor. Kasi nga daw malas at dahil doon, walang negosyante na gugustuhing malugi ang kanilang negosyo.

Marahil nga, maaaring hindi naman totoo na malas talaga ang numero 13, nagiging paniniwala lamang ito. Paano ba naman kasi hindi maniniwala ang karamihan sa atin kung lagi ng sinasabi na ang numero 13 ay may hatid na kamalasan. At ang nakakalungkot, mas naha-highlight pa ang kamalasang inihahatid daw ng numero 13 dahil sa mga palabas sa telebisyon at pelikula.

Nu’ng maliit pa ako, puro katatakutan ang palabas kapag Biyernes ng gabi. Kabilang na rito ang palabas na Friday the 13th. Kaya, hindi talaga kataka-taka kung tumanim man sa utak natin na may kamalasan talagang maaaring ihatid ang numero trese.

Hindi ko magawang sagutin ang tanong kong ito dahil wala naman akong matandaan na minalas ako dahil sa numero 13 kaya ibig kong malaman buhat sa ibang tao kung anong naranasan nila na may kaugnayan sa numero 13 at may ilan namang sumagot sa aking katanungan. Nais ko pong ibahagi ang kanilang sagot.

“Hindi po ako natangap sa trabaho nu’ng una akong mag-apply dahil a-trese noon.” Nacion Aaron Cea

“Natapilok po ako ng Friday the 13th pero baka naman po nagkataon lang.” — Mary Gale

“Ipinanganak ako ng March 13 at malas ako.” — Celia Fabre

Bigla ko ring naisip, kaya ba minalas ako sa asawa dahil 13 ang birthdate niya? Ibig kong sabihing ‘oo’ pero mas gusto kong paniwalaan na wala namang kinalaman ang numero kaya tayo ay minamalas. Ang kamalasan ay dahil sa  iyon ang inilalagay natin sa ating isipan. Marahil tama si Madam Celia Fabre, na iyon ay nagkataon lang.

Ano sa palagay ninyo?

Salamat sa pagbasa sa Pamahiin Trese.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articlePalmistry 183: Mga dapat tandaan para lumigaya
Next articleOnline Horoscope Hulyo 20 2018

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here