Pamahiin Suhe: May Kakaibang Kakayahan

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Aray ko, sobra talaga ang sakit kapag natinik ka ng isda tapos malaki pa. Parang maluluha ka na talaga pero kahit na ganu’n ay di pa rin basta basta maaalis ang tinik Kung minsan nga kahit sumuka ka nang sumuka ay di pa rin nakakatulong para masolusyunan ang paghihirap na iyong nararamdaman.

Sabi ng marami, makatutulong talaga kung lulunukin mo ang kapirasong saging, makakatulong kasi iyon para dumulas iyon sa lalamunan mo. O, pupuwede rin namang maghagilap ng pusa at ipahimas mo ang parte ng iyong lalamunan para mawala na ang tinik na nagpapahirap sa’yo. Ang problema lang, baka naman makalmot ka ng pusa at magkaroon ka pa ng rabies.

Huwag kang mag alala, may iba pa namang paraan para agad na maalis ang tinik sa’yong lalamunan. Ang kailangan mo lang gawin ay maghanap ng taong ipinanganak ng suhe at may kakayahan silang makatulong sa mga taong natinik. Ang taong suhe ay ipinanganak na unang lumabas ang mga paa. Karaniwan kasi sa sanggol ay una ang ulo.

O, may kasama ka bang ipinanganak na suhe? Tawagin mo. Humingi ka na agad ng tulong sa kanya kung ayaw mo na mahirapan pa.

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here