Pamahiin; SUGAL

0
1054

Mahilig ka bang magsugal? Kung ito ang iyong kinahihiligan, anupaman ang uri ng sugal na iyong nilalaro natural lang na gugustuhin mo ang magwagi kaysa ang matalo. Para hindi ka umuwing talunan, dapat mong malaman kung ano ba ang makapagbibigay ng suwerte sa’yo para ikaw ay manalo. Narito at basahin mo;

1.Ulo ng buwitre. Mukhang mahirap nitong magkaroon pero ang mga South Africans ay naniniwala na ang ulo ng buwitre ay maghahatid sa’yo ng suwerte sa sugal. Maliit man o malakihang sugal. Kung saan ka makakakuha nito ay hindi ko alam kaya maghanap ka na lang siguro ng kahit anumang pwedeng sumimbolo dito gaya ng keychain na ulo ng buwitre.

2.Buntis. Kung ikaw ay magsusugal at nakakita ka ng buntis sa iyong daraanan, matuwa ka na dahil konting haplos lang sa tiyan ng buntis ay makapagdadala na ito sa’yo ng suwerte. Pero magpaalam ka sa buntis bago mo haplusin ang kanyang tiyan kung ayaw mong magulat ang buntis at bigla ka na lang hambalusin nito. Hindi mo naman gustong malasin nang hindi ka pa man nakakarating sa pagsusugalan mo.

3.Pulang damit. Ang pulang damit ay suwerte sa negosyo at ganoon din sa pagsusugal. Maging ang pulang underwear ay makakatulong upang makahatak ng suwerte sa bawat pagtaya at pagtira mo. Maaliwalas at palaban ang kulay na ito na dapat mong taglayin habang ikaw ay nagsusugal.

4.Huwag tatapik sa balikat. Kung minsan ay nakakagawian natin na tapikin ang balikat ng ating katabi kapag tayo ay nananalo sa sugal o sinuman sa ating kakilala na nasa ating tabi habang tayo ay nagsusugal. Dapat mo itong iwasan dahil hindi ito magandang senyales. Maaari itong magbigay sa’yo ng negatibong enerhiya na siya mong ikakatalo.

5.Masuwerteng numero. Kung ikaw ay isang manunugal, dapat na alam mo kung anu-ano ang mga masuwerteng numero. Ang mga numerong 3,6 at 9 na iko-combine mo sa 8 ay umaakit ng positive energy habang ang numerong 4 naman ang dapat mong iwasan dahil negativity ang inaakit nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here