Pamahiin Sapatos: Barya Kapalit

Ang sapatos ay ginagamit natin sa paglalakbay kaya sadyang napakaimportante sa atin nito kaya naman kung maaarin ang pinipili nating isuot ay iyon talagang maganda. May mga pagkakataon kasi na ang ating pagkatao ay nakabase sa suot nating sapatos. KUng marami kang pera, siyempre, mamahaling sapatos ang pipiliin mo. Iyon siyempreng original para talagang matibay.

Kaya naman kung makikita natin na mumurahin lang ang suot  niyang sapatos, alam na natin na na di siya nakakaangat sa buhay. Masasabi pa natin na talagang naghihikahos siya kapag nakita natin na butas butas ang kanyang sapatos. Kaya naman may pagkakataon na gusto na lang natin siyang bigyan ng sapatos kung siya naman ay kasukat lang natin.

Namimigay ka ba ng sapatos?

Kahit pa sabihin mong kaya ka namimigay ng sapatos dahil sa ibig mong makatulong, di ka pa rin dapat basta basta namimigay na lang. Di ko naman ito sinasabi dahil tinuturuan kitang maging maramot kaya lang mayroong pamahiin na di ka dapat namimigay ng sapatos kung walang kapalit. Kahit naman barya ay okay na. Ang importante, napalitan ang sapatos na ibinigay mo.

Kung hindi mo kasi hihingan ng kahit piso ang taong pagbibigyan mo ng sapatos ay may tendensiya na masira ang inyong samahan. Kung malapit kayo sa isa’t isa, hindi mo naman gugustuhin ns msngyari iyon.

SHARE
Previous articleSI RONALD REAGAN AT ANG 666 CONNECTION!
Next articleHALAMANG GAMOT – “HALAMANG GAMOT SA DIABETES.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here