Pamahiin Sanggol: Para sa magandang buhay

KAPAG magulang ka, ibibigay mo ang ‘the best’ para sa’yong anak. Hindi pa nga siya naisisilang sa mundong ito, marami ka ng plano para kanya. Iyon nga lang, may mga pagkakataon na hindi lahat ng gusto mo para sa kanya ay matutupad. Sapagkat, tayo man ang kanilang magulang, mayroon pa rin silang sariling isip para makapagdesisyon.  Kaya’t habang hindi pa nila kaya ang kanilang buhay, ang mga magulang muna nila ang gagabay sa kanila.

Para magkaroon ng katuparan ang pangarap ng ating mga anak, kailangan natin silang pangalagaan hanggang sa kaya na nila ang kanilang sarili. Sa aking palagay, ang Pamahiin Sanggol ay makakatulong para magawa nilang protektahan sa panganib at mabigyan sila ng mas magandang buhay. O, pakakatandaan mo ang ilang paalala sa Pamahiin Sanggol.

Una, huwag hayaang mag-kiss ang dalawang sanggol. Hindi raw kasi matututong magsalita agad ang sanggol. Ibig sabihin, ilang taon pa bago siya ay makapagsalita ng matatas. Hindi mo naman siyempre, gugustuhin iyon, hindi ba? Ang gusto mo nga ay lumaking matalino ang iyong anak. Kung ganoon, ang dapat mong gawin ay iipit sa libro ang ang unang gupit ng sanggol. Kaya lang, kailangan mo siyang gupitan pagkatapos ng una niyang kaarawan.

Pangalawa, huwag papabanguhan ang sanggol. Malaki raw kasi ang tendensiya na katuwaan ito ng mga anghel at maging dahilan pa iyon para mamatay ang sanggol. Bukod pa roon, hindi magiging maganda kung makakamoy agad ng pabango ang sanggol lalo na kung matapang ito. Baka kasi hikain lang siya.

Pangatlo, huwag mong hahayang lumapit ang pusa sa sanggol. Maaari raw kasing agawin ng pusa ang hininga ng sanggol.

Pang-apat, huwag hahalikan ang sanggol kapag dumudumi ito. Ang hininga daw kasi nito ay magiging mabaho paglaki nito. Kaya, makabubuting kung gusto mong labingin ang iyong baby, gawin mo na lamang kapag nalinisan mo na siya.

Panlima, huwag hahalikan ang sanggol kapag natutulog. Hindi naman ito sinabi dahil maiistorbo mo lang ang baby kundi dahil sa magiging pilya o pilyo ang sangol. Sa madaling salita, siya ay magiging pasaway.

Kung hindi mo gugustuhing mangyaring masama sa’yong anak, mas okay siguro kung susundin mo na lamang ang ilang pamahiin na ito. Sabi nga, wala namang mawawala. Ngunit, kung magkakatotoo nga ang pamahin at inisnab mo, baka naman mapahamak ang iyong anak. Siyempre, hindi mo naman gugustuhin na mangyari iyon. Kaya, makabubuti pang sundin mo na lang din ang pamahin.

Salamat sa pagbasa ng Pamahiin Sanggol.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula