Pamahiin Samid: Dapat mo bang Ikatuwa?

Kapag naalala tayo ng isang tao, dapat lamang na matuwa tayo dahil ibig sabihin noon ay importante tayo sa kanyang buhay. Sa panahon naman kasi ngayon kahit na gusto nating makapiling ang isang tao ay imposible lalo na kung milya-milya ang layo mo sa kanya. Kaya, salamat na lang din at mayroon tayong mga gadgets tulad ng cellphone, computer at laptop dahil kahit na malayo tayo sa isa’t isa ay nagagawa nating makipag-komunikasyon. Kahit paano ay nalalaman natin kung nasa maayos ba siyang kalagayan.

Kaya sa panahon ngayon ay talagang nakalulungkot kung ikaw ay nawalan ng load o kaya naman ay nawalan ng signal habang nakikipag-usap o may importanteng sasabihin sa isang tao. Gayunpaman, mas masuwerte ka pa rin sa taong walang anumang makuhang paraan para makipag-ugnayan subalit kaya pa ring maipadama sa’yo na naalala ka niya. IYon nga lang, kung minsan ay hindi sa magandang pagkakataon.

Sabi kasi sa pamahiin, kapag ikaw ay nasamid o nabulunan a siguradong may taong nakaalala sa’yo. Dapat sana ay matuwa ka sa ideyang iyon kaya lang kung ikaw naman ay sarap na sarap sa pagkain tapos mapapahinto ka dahil sa nahirinan ka, babalik pa ba ang ganaya mo sa pagkain? Ngunit, may pagkakataon naman na kahit na nasamid na tayo ay natutuwa pa rin tayo kapag nagtanong tao kung ‘anong number’ tapos may sumagot ng numero na umakma sa unang letra ng pangalan ng taong gustong-gusto mo.

Eh, ikaw ba, anong nararamdaman mo kapag iaw ay nasasamid?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here