Pamahiin Salamin

0
2591

IBIG natin na matiyak na ayos ang hitsura natin kaya madalas tayong manalamin. Kapag kasi mayroong mali sa hitsura natin  tulad ng pagkakaroon ng dumi sa mukha, maaari na tayong mapintasan at iyon ang ayaw na ayaw nating mangyari. Ibig kasi nating maganda tayo sa mata ng lahat dahil ayaw nating mapintasan tayo.  

Kaya nga lang, may mga tao na sadyang OA. Iyon bang walang ginawa kundi tingnan sa salamin ang kanyang hitsura. Maaring dahil sa mahal na mahal niya talaga ang kanyang sarili. Kahit pa sabihing wala naman talagang magmamahal sa’yo ng higit kundi ang iyong sarili, nakakairita pa rin iyong makikita mo na ang isang tao ay maya’t mayang nakatingin sa salamin.

 Hindi ko talaga mapigilan ang mapabuntunghininga kapag nakikita ko ang isang tao na walang ginawa kundi ang tumingin sa kanyang repleksyon. Ultimo sa kanyang pagnguya, hindi ko maiwasan ang mapabuntunghininga. Masyado niya kasing mahal ang kanyang sarili.  

Pero, alam mo bang may pagkakataon na kahit nahindi lamang ang repleksyon mo ang iyong makikita. Para mas maunawaan mo ang aking sinasabi, kailangan mong malaman ang tungkol sa Pamahiin Salamin.  

Una, humarap ka sa salamin ng hating gabi. Ito raw kasi ang paraan para makita mo ang iyong mapapangasawa. Kailangan mong magpunta sa harap ng salamin ng walang ilaw ngunit may hawak kang kandila. Sa pamamagitan lang daw kasi noon, makikita mo ang iyong mapapangasawa.

 Pangalawa, huwag mong ihaharap sa pintuan ang salamin. Ito raw kasi ang magsisilbing lagusan ng mga nilalang na nasa kabilang buhay. Maari ngang hindi mo sila nakikita pero hindi nangangahulugan na hindi mo sila nakakasama. Kaya kung ikaw ay nag-iisa lamang o kaya ay nagising ka ng madaling araw lalo na pagsapit ng alas-tres, siguradong makakaramdam ka ng kakaiba. Pupuwedeng may magparamdam sa’yo. O kaya naman kapag humarap ka sa salamin na nakatapat sa pintuan, malaki ang posibilidad na hindi lamang ang repleksyon mo ang iyong makikita. 

Pangatlo, bawal kang makabasag ng salamin. Mamalasin ka raw kasi kapag nakabasag ka ng salamin. Tapos noon ay makikita mo pa ang sarili mo sa basag na salamin. Sa pamamagitan daw kasi ng basag na salamin ay makikita mo ang pangit mong pagkatao.

 Hay naku, ilang pamahiin lamang tungkol sa salamin ang sinabi ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang kilabutan. May takot na rin yata akong mararamdaman kapag napatingin ako sa salamin. Para kasing hindi ako makakasiguro na repleksyon ko lang ang aking makikita.

 Maraming salamat sa pagbasa ng Pamahiin Salamin.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here