Pamahiin Salamin: Ikaw ba ang nasa repleksyon?

Kung sa palagay mo, laging ang sarili mo ang makikita mo kapag humarap ka sa salamin, nagkakamali ka. May pagkakataon na ibang mukha ang makikita mong nasa salamin na ‘yan. Alam mo ba kung kailan ito mangyayari? Para malaman mo ang sagot, ipagpatuloy mo lamang ang pagbasa sa artikulo na ito.

Una, kung nais mong makita ang mukha ng iyong mapapangasawa. May mga dalagang hindi makapaghintay kung kailan nga ba darating ang kanyang the one kaya gumagawa siya ng paraan kung paano niya ito makikita. Ang kailangan lang niyang gawin ay humarap sa salamin ng alas-dose ng gabi habang may hawak ng kandila. Siguraduhin mo siyempreng patay ang ilaw habang ibinubulalas ang mga katagang, Ang aking mapapangasawa, gusto kong makita.

Pangalawa, kapag itinapat mo ang salamin sa may hagdanan o pintuan. ‘Yan kasi ang magsisilbing lagusan ng mga kaluluwang ligaw. Kaya, asahan mong kapag disoras ng gabi ay mayroon kang makikita sa salamin na ‘yan. Tandaan mo, mas malalakas ang kapangyarihan ng mga kaluluwang ligaw pagsapit ng alas-dos hanggang alas-tres.

O, nanaisin mo bang may makita sa salamin? Tiyakin mo lang na malakas ang loob mo dahil baka kapag sumulpot na sila ay bigla ka na lang mahimatay diyan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here