Pamahiin Sa Pangingisda

0
201

Kung ikaw ay isang mangingisda o may kakilalang mangingisda, dapat lang na malaman mo ang mga pamahiing may kinalaman dito upang maiwasan ang mga kamalasan at makamtan ang suwerte sa biyaya ng karagatan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa luma at bagong pamahiin na may kaugnayan sa pangingisda.

1.Ang mangingisda na sumampa na sa kanyang bangka at nagsimula nang sumagwan o nagpaandar ng bangkang de motor ay hindi na dapat lumingon sa kanyang pinanggalingan kung ayaw niyang malasin sa kanyang panghuhuli ng isda. Kung siya ay lilingon, walang gaanong isda siyang mahuhuli at maaari ring wala siyang mahuling isda totally.

2.Bago mangisda ay gumuhit ng sign of the cross sa buhangin o lupa upang maging ligtas sa pupuntahan at hindi abutan ng malakas na ulan o bagyo.

3.Ang unang isda na mahuhuli ay kailangang pakawalan bilang tanda ng pasasalamat sa bathala ng karagatan at bigyan pa ng maraming biyaya.

4.Mag-alay ng isang pirasong bulaklak at magsaboy ng ilang butil lamang ng bigas sa dagat bago umpisahan ang pangingisda bilang kapalit ng mga isdang mahuhuli sa karagatan.

5.Kung walang huli ang isang mangingisda at siya ay pauwi na, sa oras na siya ay makarating na sa pampang huwag agad lilingon sa pinanggalingang bahagi ng dagat upang hindi maulit kinabukasan ang kamalasang natamo sa araw na iyon.

6.Kung sinuwerte naman sa pangingisda ay okay lang na tanawin ang pinanggalingan sa pangingisda upang muli ay makahuli ng marami kinabukasan.

7. Ang pag-awit habang nangingsda ay isang magandang senyales din upang ang suwerte ay lumapit. Mahilig kasi sa awitin ang mga kakaibang nilalang sa dagat tulad ng mga sirena kung kaya’t kapag nagparinig ka sa kanila ng awitin ikaw ay kalulugdan at hahainan ng maraming isda mula pa sa kailaliman ng karagatan.

8.Ang pag-aaway naman ng dalawang mangingisda habang sila ay nasa gitna ng panghuhuli ay malas para sa kanila. Itinataboy nito ang suwerte palayo sa kanilang bangka. 

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here