Pamahiin Sa Pagpili Ng Mamahalin

Ang sabi ng marami, hindi mo raw mapipili kung sino ang tao na mamahalin mo at makakasama sa habambuhay. Kusa daw darating ang nakalaan sa’yo at kapag nakalaan sa’yo ay walang sinuman o anuman na makakahadlang. Ang tawag nila rito ay destiny. Maaaring sa umpisa ay hindi kayo magkasundo o kaya naman ay marami ang kontra sa inyong relasyon, pero ang lahat ng ito ay bahagi lang ng kuwento ng inyong pag-ibig. Yung tipong sa ayaw mo at sa gusto ay kayo pa rin ang magtatagpo sa huli kahit pa gaano kahirap ang inyong pagdaanan. Pero iba naman ang sinasabi ng pamahiin tungkol dito. May nais ibahagi sa inyo ang pamahiin kung papaano mo pipiliin ang tao na dapat mong mahalin.

1.Kung sa una nyo pa lang pagkilala ay napanaginipan mo siya na ikaw ay pinagtataksilan, sinasabi sa’yo ng pamahiin na huwag mo ng ituloy ang inyong relasyon dahil darating at darating ang araw na ang panaginip na ito ay magkakaroon ng kaugnayan sa inyong pagsasama na malapit sa katotohanan.

2.Kung siya naman ay nanliligaw pa lang sa’yo o nililigawan mo pa lang at ilang beses niyang naapakan ang iyong paa, isa rin itong hindi magandang senyales na kung kayo ay magsasama ay magiging sunud sunuran ka lamang sa kanya. Lahat ng pagdedesisyon na gagawin mo sa buhay mo ay dadaan muna sa kanya.

3.Kapag sa unang date nyo ay hindi ka niya sinipot, sa anupamang dahilan, valid reason man o hindi, isa itong senyales na hindi siya magiging karapat dapat sa inyong relasyon. Kaya habang may pagkakataon ka pa ay layuan mo na siya.

4.Kung may isang mahalagang bagay kang nawawala na mahahanap niya, ito ay isang magandang senyales na balang araw ay magsisilbi siyang sandalan mo at tagaresolba ng iyong problema. Siya ang tatayong tagapagtanggol mo at sasalo sa’yo sa tuwing ikaw ay mawawalan ng pag-asa kaya siya ay karapat dapat mong piliin para mahalin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here