Pamahiin sa Negosyo: Paraan para umunlad

0
1264

Ito ay base sa istorya ng BFF kong si Ghing Dechilla Gutierrez.  

Isang gabi ay nag-isip ako ng maisusulat ko at nagawa kong tanungin ang kaibigan kong si Ghing kung ano ang maganda kong i-topic sa Pamahiin, agad niyang sinabi na maganda kung tungkol sa negosyo ang gagawin kong pamahin kaya naman agad akong nag-research ng mga pamahiin tungkol sa negosyo, lalo na sa mayroong tindahan. 

Una, magbukas ka ng tindahan bago sumikat ang araw. Eto raw ang pinakamabisang paraan para dayuhin ka agad ng mga customers. Siyempre, lahat ng kailangan nila sa umaga ay maaari nilang mabili sa’yong tindahan. Alalahanin mo, sa umaga ay maraming estudyante at empleyado na papasok kaya kung mayroon silang kailangan, sa tindahan mo ang magiging takbuhan nila. Kung marami ang makakakita na nakabukas ka na, tiyak din na maraming pera ang papasok sa’yong negosyo.  

Pangalawa, huwag magpapautang sa unang customer. Maaari kasing maging dahilan ito para maging matumal ang tinda mo sa araw na iyon dahil nga sa hindi siya nagbigay ng pampasuwerte. Kung ang customer mo naman na unang bibili ay may mabuting puso, laging nakangiti at mabilis na magbayad, siguradong ikaw ay susuwertehin ng buong araw. Kaya, kapag nasiguro mo na nagbibigay ng pampasuwerte sa’yo ang customer mong ito, alagan mo siya.  

Pangatlo, lagi kang nakangiti sa iyong customer.  Kung ikaw ay magiging palakaibigan lalo na sa mga bumibili sa’yong tindahan, asahan mo na darami sila ng darami. Ang mabisa kasing taktika para dayuhin ka ng mga tao, iyong alamin mo rin kung sino sila. Hindi mo naman kailangang maging tsismosa. ‘Yung tipong kakalkalin mo ang kanilang buhay. Ang kailangan mo lang naman gawin ay tanungin sila kung mayron silang dinaramdam o kung mayroon silang problema.  

Pang-apat, tumulong sa nangangailangan. Kung minsan, hindi naman masama ang katagang ‘utang’ sa negosyo, lalo na siyempre kung ang tutulungan mo ay kaya namang magbayad pagdating ng takdang araw. Dahil sa ikaw ay tumulong sa’yong kapwa, asahan mo na susuklian din ng langit ang kabutihang ginawa mo sa’yong kapwa.  

Pang-lima, huwag na huwag kang sasagot ng ‘wala’. Ang dapat, lahat ng gustuhing bilhin ng customers mo ay mayroon ka. Kug talagang wala ka naman ng item na iyon, ang dapat mong isagot ay naubos na. Para next time na kailanganin niyang muli ang item na iyon ay babalik siya sa tindahan mo. Ikaw naman, kailangan mo ring itinda ang hinahanap ng iyong mga customers para mas suwertehin ang iyong negosyo.  

O, nawa ay may napulot ka sa artikulo natin ngayong Pamahiin sa negosyo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here