PAMAHIIN; Regla

11204

Tayong mga kababaihan ay nakakaranas ng kanya-kanyang senyales tuwing nalalapit na o mismong araw na ng ang ating regla na kung tawagin natin ay buwanang dalaw o period. May mga babae na easy lang kung pagdaanan ito pero meron din namang sobra ang paghihirap na dinaranas. Masakit na ulo, masakit na puson, nakakatamad na pakiramdam at kung anu-ano pa.Kaya naman madaling mag-init ang ulo natin kapag meron tayo. Sa kabila nito, ang ating menstruation ay may kaugnayan din sa mga pamahiin. Narito ang ilan sa mga pamahiing pinaniniwalaan natin tungkol dito na itinuro pa ng mga lola natin.

1.Ang unang panty na pinagreglahan ay kailangan daw ihilamos sa mukha upang hindi maging masyadong maamoy ang mga susunod na regla at gayundin para hindi tubuan ng maraming pimples ang mukha.

2. Bawal magpunta sa patay at sumilip sa kabaong ang babaeng may regla dahil lalakas daw ang amoy nito sa burol. At meron din namang naniniwala na titigil ito at mananakit ng husto ang tiyan. May sinabi pa tungkol dito ang lola ko noon, na maaamoy daw ng bad spirit ang regla kaya ikaw ay susundan hanggang sa pag-uwi mo sa inyong bahay dahil gustong-gusto nila ang amoy ng dugo.

3. Huwag maliligo ng nakaupo kung ikaw ay may regla dahil mapapasok ng hangin ang iyong pwerta at ikaw ay maloloka. Meron nang ganitong pangyayari sa amin datin sa probinsya noong maliit pa ko. Sinasabing ang naging dahilan daw ng biglaang pagkawala sa sarili nung isang taga baryo ay dahil sa pagligo niya ng matagal at nakaupo habang malakas ang kanyang mens.

4. Masamang magbunot ng buhok sa kilikili kapag meron ka dahil mangingitim daw ang iyong kilikili.

5. Bawal suntukin ang babaeng may regla dahil ang pasang matatamo nito ay matagal bago maghilom.

6. Huwag kang haharap sa iyong manliligaw sa pangatlong araw ng iyong regla dahil hindi siya magiging tapat sa’yo.

Ang mga ito ay mga paniniwala tungkol sa regla na kinamulatan ko na mula pa sa turo ng aking lola. Matagal nang sumakabilang buhay ang lola ko subalit buhay na buhay pa rin sa aking isipan ang mga pamahiing itinuro niya sa akin. Wala namang mawawala kung ating susundin. Kung atin namang susuwayin ay wala ring makakapigil  dahil nasa atin palagi ang pagdedesisyon kung ano ang sa tingin natin ang dapat at hindi dapat nating paniwalaan at gawin.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here