Pamahiin Plato: Para sa mga Single

Wooden dinner table set with four place settings with cutlery and empty white ceramic plates

Karamihan sa atin ay nangangarap talaga na magkaroon ng partner pero di lahat aynatutupad. Hindi kasi lahat tayo ay nagagawang mahalin ng taong minamahal natin at kung may nagmamahal man sa atin, hindi natin kayang tugunan ang kanyang pag-ibig kaya naman hindi pa rin natin magawang maging masaya.

Pero, bakit nga ba single ka?

Ayon sa pamahiin, kapag pinagligpitan ka ng plato ng mga kasabayan mo kumain ay tatanda kang dalaga o binata. Kaya, sikapin mong huwag kang mapagligpitan sa mesa. Kapag kasi oras ng pagkain ay mag-concentrate ka, baka naman kasi mapag-iwanan ka lang  Maari ngang sabihin mong wala ka namang hinahabol na oras kaya slow motion ang iyong pagkilos Ang problema nga lang ay ang implikasyon ng pagiging mabagal mong kumain.

Kung talagang nais mong makapag-asawa, hindi ka papayag na may hahadlang sa posibilidad na matagpuan mo si Mr. Right o si Miss Right. Kaya, kung talagang hindi mo kayang masabayan na matapos kumain ang iyong pamilya o mga kaibigan ay huwag ka na sumabay sa kanila. Iyon nga lang, baka naman magtampo sila. Sure naman ako na hindi mo rin gugustuhing mangyari iyon kaya sikapin mo na lang na huwag kang mapagligpitan.

O, kaya mo ba talaga itong gawin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here