Pamahiin Pintuang Magkaharap: Lagusan ng suwerte at kaluluwa

Ang Pamahiin Pintuang Magkaharap ay tungkol sa katanungan ni Amz Ompad Hagonos 

Malas! Ito ang kalimitang sinasabi kapag nakitang magkaharap ang dalawang pintuan. Siyempre, kung nakatira ka sa bahay na iyon, agad kang kakabahan. Hindi na ako magugulat kung sasabihin mo ngang parang tinatambol ang puso mo. Talaga naman kasing may kakaiba kang mararamdaman kapag napatitig ka sa magkaharap na pintuan.

Ayon sa pagsaliksik na aking isinagawa, ang magkaharap na pintuan ay maaaring maging lagusan ng mga hindi matahimik na kaluluwa.

Maaaring ang agad mong sasabihin ay isang malaking kalokohan naman iyon pero kokontrahin kita. Hindi iyon isang kalokohan dahil mayroon din akong karanasan sa magkaharap na pintuan. Ang kuwarto ko kasi noong nakatira ako sa bahay ng aking mga magulang, ay nakaharap sa silid ng aking Dikong. Kapag madaling araw na, pakiramdam ko’y hindi na rin ako nag-iisa sa silid na iyon. Minsan pa nga ay namulatan ko ang isang matangkad at payat na lalaki na nakasumbrero. Ibig kong sumigaw ng mga sandaling iyon pero hindi ko magawa, Mabuti na lamang at naisipan kong magdasal kaya bigla akong nakakilos.

Sa karanasan kong iyon, masasabi ko ngang may kakaiba kang mararamdaman sa pintuang magkaharap. Ang mga kaluluwa kasing hindi matahimik ay walang tiyak na patutunguhan. Hindi naman sila makadiretso ng akyat sa langit kung mayroon pa silang misyon sa mundong ito. Sila ay ang mga taong namatay kahit hindi pa nila oras. Kaya, nagpapalakad-lakad lamang sila sa mundong ito at naghahanap lang sila ng malalagusan. At para sa mga kaluluwa, ang pintong magkaharap ay ang perpekto nilang lagusan.

Kung hindi ka pa rin naniniwala sa aking mga sinasabi, kailangan mo talagang maging mapagmasid para masabi mong may bahid ito ng katotohanan. Kung ang bahay ninyo ay may pintuang magkatapat, magkaroon ka ng matalas na pakiramdam. Sa pamamagitan noon ay mapagtatanto mo na mayroon kayong’ibang kasama’. Kaya, kung magpapagawa ka pa lang naman ng bahay, tiyakin mo na ang pintuan ay hindi dapat na magkakatapat. Ganoon din sa pintuan at bintana o kaya naman pintuan at hagdan.

Kung magiging matigas ang iyong ulo, huwag ka na magtaka kung dadapuan ka man ng kamalasan dahil posibleng mangyari iyon. Kapag kasi pinasok ng negative vibes and iyong tahanan, huwag mong asahan na puro suwerte ang dadapo sa’yo. Malaki ang tsansa na magkasunod-sunod nga ang kamalasan dahil ang negatibong dala ng mga ‘nilalang’ ay maaari mong makuha.

Kaya, kung ayaw mong magkamalas-malas ang iyong buhay, ayusin mo ang iyong tahanan dahil diyan nakataya kung anong klaseng buhay mayroon ka. Kaya, huwag na huwag mong isnabing basahin ang Pamahiin Pintuang Magkaharap.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

3 COMMENTS

  1. Magkatapat pa naman pintuan namin sa kusina at sa banio. Ano po ba mainam na pangontra sa mag katapat na pinto?

  2. may bagong gawa n mlaking bahay ang sister ko, tapatan ang pinto ng 4 n bedroom at mgkatapat din ang hagdan s pinto ng master bedroom , ano mganda gawin pra makontra ito

    • Avatar Terryrose perez

      Anu po ang maganda pra s mgkatapat n bintana ng kwarto at mismong pinto nya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here