Pamahiin Pinto: Buksan mo ang suwerte

0
6534

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Sa isang bahay, napakahalaga ng pintuan dahil dito ka maglalabas-masok. Kinakailangan mong isara ang pinto para maprotektahan mo ang iyong mga pag-aari. Kinakailangan mo rin siyempreng lumabas ng pinto para maghagilap ng magandang kapalaran.

Maaaring hindi natin nagagawang pansinin ang kahalagahan ng pintuan dahil ang pinapangarap lang naman natin ay magkaroon ng magandang bahay. Kaya, ang pintuan ay bahagi lamang ng bahay na ating pinapangap. Pero, tulad nga ng sinabi ko, ang pintuan ay ginawa para pasukan at labasan natin. Kaya’t maging suwerte at kamalasan ay nakabase rin sa pintuan ng intong tahanan.

O, hindi ba, natahimik ka? Ibig sabihin, napaisip ka. Para sabihin ko sa’yo o kung maaari ay ididikdik ko sa’yong utak na may kinalaman ang pintuan kaya ka sinusuwerte o minamalas. Kaya, makabubuting basahin mo itong Pamahiin Pinto. Naririto ang ilang tips kung nais mong mabuksan mo ang katakot-takot na suwerte.

Una, dapat ang pinto ay nasa gawing Silangan. Ito ‘yung nasa sikatan ng araw. Kapag dito kasi nakatapat ang pintuan, ang mga magagandang balita ay agad na papasok sa’yong tahanan. Kaya, huwag kang magpapagawa ng bahay na nakatalikod sa araw dahil sinisiguro ko sa’yong magiging mahirap sa’yo ang buhay.

Pangalawa, huwag itatapat ang pinto sa kalye. Kahit pa sabihing ito’y nasa sikatan ng araw, hindi pa rin nagiging masuwerte kapag nakatapat agad ang pintuan sa kalye. Ang dahilan, pati ang mga negatibong emosyon ay masasagap mo. Kaya, kailangan mo ring harangan ang mga kamalasan na maaaring nasa paligid at magagawa mo ito kapag ikaw ay naglagay ng gate man lang.

Pangatlo, huwag pagtatapatin ang dalawang pinto. Hindi tamang ang mga pinto ng kuwarto ay magkatapat. Magsisilbing lagusan kasi ‘yan ng mga espirito para ikaw ay kanilang gambalain. Kapag may makakasama ka sa tahanan na masasamang espirito o nilalang, tiyak na magsasapin-sapin ang kamalasan.

Pang-apat, huwag itatapat ang kama sa may pintuan. Maaari kasing hilahin ka na lamang ni Kamatayan. Kaya makabubuting ilihis mo sa may pintuan ang iyong kama.

O, nais mo bang malasin? Siyempre hindi mo gugustuhin na malasin kaya kung alam mo namang makakasama ito sa’yo, bakit mo pa gagawin? Siguro naman ay ayaw mong maging miserable, hindi ba? Kaya, makabubuti talagang sundin mo na lang ang payong ito. Ngunit, siyempre, ikaw pa rin ang bahalang magdesisyon.

Salamat na lang pagbasa sa Pamahiin Pinto.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here