Pamahiin Pera: Paano dadami ito?

0
12924

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Basahin mo ang artikulo natin ngayong Pamahiin Pera.

Materyalistiko ka man o hindi, kailangan mo ng pera. Siyempre, kailangan mong mabuhay. Kailangan mong gumastos para may kainin ka. Madali namang solusyunan iyon, ang kailangan mo lamang gawin ay magtrabaho ka. Kaya nga lang, kahit na nagkakandakuba ka na sa kakatrabaho, parang hindi pa rin sapat iyon para magkaroon ka ng okay na pamumuhay.

Bakit nga ba?

Bukod sa mababa talaga ang pasahod sa ating bansa, may iba pang dahilan kaya hindi mo magawang magkaroon ng kaginhawahan. Ito ay ‘yung hindi mo sinusunod ang pamahiin sa paghawak ng pera.

Ready ka bang alamin kung anu-ano ang mga iyon? Naririto ang ilang dahilan.

Una, lagi mong sinasabi na wala kang pera. Maaari ngang nagiging tapat ka lang kapag sinasabi mong ‘wala kang pera’, ngunit talaga nga bang wala o takot ka lang mautangan? Kahit naman kasi barya lang ang nasa wallet mo, pera pa rin ‘yan. Kung ganoon, may pera ka. Kaya sa kakasabi mo ng wala kang pera, talaga ngang mawawalan ka ng pera. Kahit naman kasi walang damdamin ‘yan pera mo, ang suwerte naman ang magtatampo sa’yo. Kaya kahit na konti na lang ang pera mo, huwag kang magsasabing ‘wala kang pera’. Mas maigi pang sabihin mong ‘wala kang barya’ o ‘wala kang buo’.

Pangalawa, huwag kang maglalabas ng pera sa gabi. Kalimitan kasi, kung nagbabayad ka ng utang ay gabi na. Naku, huwag na huwag mong gagawin iyon dahil malas. Kaya makabubuti kung magbibigay ka ng pera sa umaga o hapon. Basta, hindi pa kalat ang dilim.

Pangatlo, huwag kang mag-aabot ng pera sa bintana. Pwede mo namang buksan ang pintuan, ‘di ba? Kung sa bintana ka raw kasi magpapadaan ng pera, tatakbo rin palayo sa’yo ang pera. Hindi mo naman siguro gustong mangyari iyon, di ba?

Pang-apat, huwag kang magpupulot ng barya sa kalsada o daan. Hindi ka suwerte nu’n, akala mo ba. Maaari raw kasing ang baryang mapupulot mo ay may kaakibat na sumpa. Marahil, kaya mo nga raw napulot iyon dahil itinapon ng dating may-ari. Kaya, ang negative energy noon ay malilipat sa’yo.

Ngayon kung nais mo namang makapagbigay ng suwerte, mas maigi na kung magreregalo ka ng pitaka ay lagyan mo ng barya. Iyon kasi ang magsisilbing goodluck para sa kanya.

Kung mayroon ka namang nakikitang itim na langgam sa lamesa o dingding ninyo, huwag mo silang papatayin o itataboy dahil ang ibig sabihin ng mga langgam na iyon ay darami ang iyong pera, sapagkat may perang darating.

O, sana naman ay nakatulong ng pamahiing ito para suwertehin ka at makaiwas sa kamalasan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here