Pamahiin Paru-paro

Butterfly

Tunghayan ang Pamahiin Paru-paro. 

Kung inaakala mo na sa nektar lang dadapo ang paru-paro, nagkakamali ka. Maaari rin kasi siyang pumasok sa tahanan mo at dumapo sa’yong mga kagamitan o maari din siyang dumapo sa’yo. Maganda naman siyang pagmasdan kaya hindi ka mandidiri sa kanya. Kahit naman nagmula siya sa caterpillar o uod, kapag nag-evolve na siya sa paru-paro, siguradong magiging magandang-maganda na siya. 

Ngunit, talaga nga bang wala kang mararamdaman na kakaiba kapag may paru-paro na dumapo sa’yo? Tiyak ko namang hindi, pandidiri ang agad mong mararamdaman kundi kaba. Para kasi sa maraming tao, ang pagdapo ng paru-paro ay may kaakibat na pamahiin. Ito nga ang dahilan kaya naisipan kong gawin ang Pamahiin Paru-paro.  

Ang paru-paro kasi ay mayroong kinalaman sa ‘kaluluwa’ kaya kapag pumapasok ito sa loob ng bahay ay ang agad na isipin ay may dumadalaw sa atin. Ngunit, may dalawang ibig sabihin ang paru-paro na dumadapo sa atin at ito ay base sa kanyang kulay at ito nga tatalakayin natin ngayon sa ating Pamahiin Paru-paro.  

Puting paru-paro.  Napakalinis ng puti kaya wala kang dapat katakutan kung sakaling may dadapong puting paru-paro sa’yo dahil masuwerte ang hatid nito sa’yo. Malaki ang tsansa na kapag puting paru-paro ang unang nakita mo pagmulat ng iyong mata ay bubuwenasin ka sa araw na iyon. Kung sakali namang nasa loob ka ng Simbahan tapos dinapuan ka ng paru-paro, ibig daw sabihin nito, kinalulugdan ka ng langit. Siguro,alam ni God na talagang may mabuti kang puso. Kung ang paru-paro naman ay dumapo sa’yo habang mayroong nakaburol, ibig sabihin ay mabuti ang puso ng namatay kaya magkakaroon na siya ng kayapan dahil didiretso sa langit ang kanyang kaluluwa.  

Itim na paru-paro. Ang ibig namang sabihin nito ay may kaluluwang dumadalaw sa’yo. Bigla ko tuloy naalala ang Episode ng PBB Celebrity Edition noon kung saan, ipinagtapat ng isang aktor ang tunay niyang pagkatao. Hindi ba, mayroong Mariposa o itim na paru-paro na dumapo sa binti ng dating sikat na artista? Ang sabi niya, pakiramdam daw niya ay binibigyan siya ng go signal ng kanyang yumaong ama na ibulalas na sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao at iyon nga ang kanyang ginawa. Gayunpaman, may pagkakataon naman daw na ang pagdapo ng itim na paru-paro ay pagbibigay ng babala na maaaring may masamang mangyayari.  

O, ngayon, anong gagawin mo kapag may dumapong paru-paro sa’yo?

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

13 COMMENTS

  1. Paano naman kung kulay brown na paru paro ang dumapo?

    • panu nga poh pla pg kulay brown?
      Ano rn poh ibig sbhin ng panaginip na paru-paro,kulay itim poh na may kulay dugo sa gitna ung paru-paro dumapo sa paa ko,pgkatapos dumapo sa paa ko,dumiretso sya sa nkaconfine sa ospital na babae dumapo sya sa babae tpos poh namatay ung babae??
      Anu poh ibig sabihin nun,nalilito poh kc ako,need ko poh malaman..tnx poh..

  2. Avatar Anna lyn manzano legaspi

    Panu naman kung dilaw ung dumapo?
    Kulang ung details.

  3. paano pag kulay orange n may dilaw?ano obig sbihin

  4. Ano naman pong ibig sabihin pag pumasok sa bahay mo o kahit sanng silid ung paru parung brown at black na halo ang kulay nito. At dumapo din sayong balat

    • pagkulay brown daw ay bagong panimula ng buhay,pag itim nman ay ibig sabhin ay nagbibigay babala na may masamang mangyayari sayo

  5. eh ung grey color na may tuldok tuldok na itim po na umaaligid sau hbang nagsa2mpay ka…..may ibig sabihin dn ba yun….???

  6. May itim na paru-parong dumapo sa mismong higaan ko. Nahawakan ko pa nga kasi hindi sya mailap. Ano pong ibig sabihin nun? Natatakot po kasi ako.

  7. my dumapo samin ng anak na itm na paruparo 1:15pm ng tangahali anu ibig sabhin nun?

  8. kaninang umaga my pumasok sa bahay namin ang isang puting paruparo, at bigla siyang dumapo sa aking ulo ano ibig sabihin non???

  9. Avatar Manuel Espragoza

    Paruparu na kulay brown na may halong dilaw ano po ibig sabihin pumasok sa bahay nakita ko na lang patay na sya hinde ko na malayan na pumasok hinde sya na kalabas kasi sardo pinto pag alis ko at sarado ang mga bintana

  10. Curious lang ako may dumapo sa kamay ko na kulay itim at may tuldok tuldok na pula sa gitnang pakpak tapos inangat ko ang kamay ko para umalis.

  11. Avatar Cristine suleman

    Ano po ibig sabihin ng paruparong brown pumasok sa loob ng tindahan ko pero saglit lng siyang lumipad tapos biglang nawala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here