Pamahiin; Para sa Mabilis na Pagyaman

13619

Lahat tayo ay naghahangad yumaman. O kung hindi man ay at least makaranas maski konting kaginhawahan sa buhay. Kaya naman lahat ng pagsisikap ay ginagawa ng karamihan upang makaangat lang. Upang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Hindi lang tayo kumakayod nang husto para makaalwan kundi karamihan sa atin ay sinusubukan din ang sumunod sa mga pamahiin kung paano mabilis na yayaman.

Narito ang ilang paniniwala sa pamahiin kung paano mapapabilis ang pagyaman mo.

1.Ang asin ay pinaniniwalaang nakapaghahatid ng suwerte sa negosyo.Kaya kung ikaw ay may negosyo kahit anupaman ito, maglagay ka ng kahit konting asin araw-araw sa entrance, halimbawa sa iyong restaurant, o karinderya. Kung hindi naman pagkain ang iyong negosyo, maari ka ring maglagay ng asin sa pintuan. Pero kung isa ka namang vendor sa kalye, pwedeng isang maliit na supot lang ng asin ang ilagay sa iyong bulsa o saan mang bahagi ng iyong puwesto kung saan makakahatak ng suwerte ang asin. Kung wala ka namang negosyo at ikaw ay nasa bahay lang, ilagay ang konting asin sa pintuan. Kung nais mo namang suwertehin sa working place mo ay maaari ka ring magdala ng asin sa paraang hindi magiging sagabal sa’yo.

2.May hatid ding suwerte ang mga barya kaya palagi ka dapat meron nito sa iyong bulsa o pitaka. Kung gumagamit ka naman ng cash register o calculator, maaari ka ring magdikit dito ng barya na hindi na maaalis. Mas masuwerte ang barya kung ito ay napulot mo nang nakatihaya. Sa loob naman ng iyong bahay, mainam na maglagay ng mga barya sa bawat sulok ng tahanan. Tulad ng malapit sa bintana, pintuan ng bahay at pintuan ng kuwarto, kusina at salas. Mas maraming barya ay mas malakas ang hatak sa puwersa ng suwerte.

3. Ang mga masuwerteng halaman at bulaklak ay isang magandang paraan din upang makapag-anyaya ng suwerte. Mahilig ka man o hindi sa mga halaman, kung ito ay nasa loob ng inyong tahanan o bakuran, ito ay makapagpapapasok pa rin ng suwerte. Ang halimbawa ng mga masuwerteng halaman ay peace Lily, Jade plant, Orchids, English Ivy, Money tree at marami pang iba.

1 COMMENT

  1. Totoo po eto.. kc mula ng nglalagay ako sa kwarto ko ng mga bareya, sa ilalim ng kama at malapit sa pinto ng kwarto ko mula nun hnd nko nawawalan o nasasaid sa pera.. At ngaun taon 2019 ko lng yan simulan..plageng my dumarating na pera sakin. Sa awa ng Diyos hnd pa ko nawawalan ng pera ngaun taon. Tsaka totoo din po ung kpg may napulot kang bareya wag mong gastosin at ilagay lng sa wallet.. dalawang beses nko nkapulot ng bareya at nsa wallet ko lng sya..isa rin cguro sa ngppaswerte sakin un..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here