Pamahiin Para Magkaroon ng Lovelife

0
119

Ikaw ba yung tipo ng single na walang lovelife dahil mailap ang pag-ibig? O walang lovelife dahil walang panahon dito?  Iba’t-iba ang dahilan ng pagiging single, pero kung ang dahilan mo ay dahil walang magkagusto sa’yo, subukan mo ang mga sinasabi sa pamahiin para ikaw ay makaranas naman na magmahal at mahalin.

1.Magpaanod ng bote sa dagat

Siguro ay napanood mo na ito sa telebisyon o mga pelikula o kaya naman ay nabasa mo na sa komiks at pocketbook. Ito ay parang message in a bottle. Kukuha ka lamang ng isang malinis na papel at isusulat doon ang iyong kahilingan para magkaroon ng pag-ibig. Pagkatapos ay ibibilot mo ito para magkasya sa loob ng bote.Kapag nailagay mo na ang papel ng iyong kahilingan sa loob ng bote ay maaari mo na itong paanurin. Kung sino raw ang makakatagpo nito ay siya mong magiging kapalaran.

2.Magbilang ng mga petals

Ito ang siguradong pamilyar na pamilyar sa’yo, ang pagbibilang ng mga petals. “He loves me, he loves me not”.Ginagawa ko rin ito dati at ang madalas na gumagawa nito ay ang mga nasa high school pa lang para malaman kung crush din sila ng crush nila. Maaari mo rin itong gawin para makahanap ng lovelife. Kailangan lang ay siyam na ulit mo itong gawin at kailangan ay magtatapos ka sa he loves me not.

3.Bumigkas bago matulog

Maaari mo namang gawing pampaantok ang pagbigkas ng salitang “matatagpuan ko na siya”. Paulit-ulit mo lang sabihin kahit sa iyong isip lang hanggang sa ikaw ay makatulog. Ang enerhiyang ito ay mapupunta sa tao na siyang kapalaran mo at para itong magnet na aakit sa kanya palapit sa’yo.

4.Umawit ng masayang awitin tungkol sa pag-ibig

Always be positive and have a good vibes. Maaari mong gawin ang pagkanta ng masayang awitin na may kaugnayan sa pag-ibig habang ikaw ay naghahanda ng pagkain. Ang pagkain ay itinuturing na sagradong biyaya kaya kung dito mo isasabay ang awit ng iyong pag-ibig ay posibleng mapagbigyan ang iyong kahilingan at maging sagrado rin ito tulad ng pagkaing inihahain mo.

5.Sumalo ng bulaklak sa kasal

Bahagi na ng tradisyon sa kasal ang paghahagis ng bulaklak at kung sinuman ang makakasalo nito ay siyang susunod na ikakasal.Pero kung ikaw naman ay single pa at nasalo mo ang bulaklak, hilingin mo sa sandaling ito na ikaw ay magkalovelife muna bago ang kasal.

6.Humiling sa balon

Maaari ka ring humiling sa balon. Subalit hindi ka lang basta maghahagis ng barya at saka hihiling kundi kailangan mo rin itong alayan ng bulaklak kung nais mong ang ibigay nitong pag-ibig sa’yo ay pangmatagalan at hindi pansamantala lang. At dapat mo itong gawin ng labintatlong ulit.

7.Mag-abang ng bulalakaw

Sa pag-aabang mo ng bulalakaw ay kailangan mong hintayin ang pagbagsak ng pangatlo at saka ka humiling na pahintulutan kang magkaroon ng isang tunay na pag-ibig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here