Pamahiin Paputok: Suwerte nga ba ang hatid?

Para raw maitaboy ang lahat ng kamalasan na naramdaman mo sa taong ito, kailangan mong magpaputok para mawala ang malas. Kaya naman, bago sumapit ang Bagong Taon ay marami ng bumibili ng mga paputok. Sa pamamagitan kasi nito ay magagawa mong maitaboy ang masasamang elemento na nasa paligid mo na nagbibigay sa’yo ng kamalasan.

Ngunit, may suwerte nga bang hatid ang pagpapaputok? Hmmm, para sa akin ay saglit na kasiyahan ang maihahatid nito sa’yo pero  maaaring maputol ang kasiyahang nararamdaman mo kapag naputukan ka dahil sa mga binili mong paputok. Kapag nangyari iyon, paano a susuwertehin kung pagpasok pa lang ng Bagong Taon ay minalas ka na.

Kaya, huwag mo nang itanim sa isip mo na na may suwerteng hatid ang pagpapaputok dahil ang maaaring ibigay niyan sa’yo ay kamalasan. Mangyayari iyan kapag naaksidente ka o naputulan ng anumang bahagi ng katawan mo. Maaaring daliri, kamay, o binti. Kapag minalas-malas ka pa, baka buhay mo ang mawala.

Maigi pang pang gawin mo na lang ay gumawa ka ng ingay. Magpatugtog ka o kumanta ka. Kahit na anong ingay ang gawin mo ay epektibo para maitaboy mo ang masasamang espirito na nasa paligid mo kaya talagang di mo na kailangan pang magpaputok dahil delikado pa ‘yan.

Siguro naman nais mong pagdating ng Bagong Taon ay kumpleto pa ang anumang bahagi ng iyong katawan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here