Pamahiin Paliligo: Kaya mo bang mangamoy?

0
379

Ibig nating maging mabango tayo at presentable kaya naman kailangan natin maligo bago tayo umalis o lumabas ng bahay. Kaya, pagkagising pa lang natin ay nakakaugalian na natin na maligo dahil talaga namang gagaan ang iyong pakiramdam kapag ganoon ang iyong gagawin.  

Lagi ka bang naliligo? 

Hindi ko naman nais na tudyuhin ka kaya nagawa ko itong itanong, dahil may ilang pamahiin sa paliligo na kailangan mong malaman kaya makabubuting basahin mo na ang Pamahiin Paliligo. O, handa ka na bang malaman ang ilang pamahiin dito?  

Una, huwag maliligo bago magsugal. Hindi man maganda ang sugal, kailangan ko pa ring ipahayag kung ano ang pamahiin dito. Maaari ka kasing matalo kapag nagsugal ka dahil ang suwerteng nasa katawan mo, maaaring matangay kapag naligo ka na. Kung ganoon, mas maigi pang magsugal ka kahit hindi ka pa naliligo. Good luck na lamang sa mga makakamoy sa’yo.

 Pangalawa, huwag kang maliligo kung walang laman ang tiyan. Tiyak kasi na sasama ang pakiramdam mo. Malalamigan kasi ang husto ang sikjmura mo. Kaya, kailangan bago ka maligo, makabubuting humigop ka muna ng mainit na kape o tsokolate. Ngunit, kailangan mo rin siyempreng malaman na mali rin daw ang maligo matapos kumain. Kailangan munang makapagpahinga ka kahit ilang minuto.  

Pangatlo, huwag kang maliligo kapag may buwanang dalaw ka. Maaari raw kasing mapatid ang iyong katinuan kapag ginawa mo iyon. Papasukin daw kasi ng lamig ang iyong tiyan. Iyon nga lang, kung tatagal ng ilang araw ang regla mo, ano naman kaya ang amoy mo noon?  

Pang-apat, huwag kang maliligo sa gabi. Makasasama raw iyon dahil puputi ang iyong dugo. Kaya, mas maigi pa na magpahinga ka na lang sa gabi. O kung hindi mo talaga kayang tiisin ang iyong amoy, mas maigi pang magpunas-punas ka na lang.  

Panlima, huwag maliligo ng Biyernes. Masyado raw kasing malakas ang kapangyarihan ng mga taong mayroong kapangyarihang itim. Baka ikaw ay mapasailalim sa kanilang kapangyarihan. Nakakapangamba rin na maari kang masaniban ng masasamang nilalang.  

Katakut-takot na emosyon ang naramdaman ko sa Pamahiin Paliligo dahil hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko nga ba ito. Gayunpaman, wala namang masama kung ating susundin ito. Hindi lang dahil sa nakakaramdam tayo ng takot na mangyayari nga iyon kundi dahil kailangan din natin masiguro na wala tayong mararamdamang masama sa ating katawan.  

Kaya, ikaw na ang bahala kung susunod ka o hindi. Ang tanging masasabi ko lang, salamat sa pagbasa ng Pamahiin Paliligo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here