Pamahiin Pagpag: Bakit kailangan itong gawin?

Pagkatapos mong magpunta sa burol, huwag na huwag kang didiretso ng uwi sa bahay mo. May pamahiin kasi na kapag ginawa mo iyon, susundan ka ng kaluluwa ng namatay. Siyempre, hindi ko rin naman gugustuhing mangyari iyon kaya mas maigi rin talaga na sundin ang Pamahiin Pagpag.

Nang mamatay ang tenant ko na si Jessie, hindi rin kami umuwi agad ng anak ko nang makipaglibing. Baka rin kasi sundan niya kami sa bahay. Iyon nga lang, di ko rin maiwasang matawa sa aking sarili dahil  naalala kong ilang buwan din siyang tumira sa bahay kaya kung gugustuhin niya ay makakauwi roon ang kanyang kaluluwa. Gayunman, umasa ako na hindi niya kami masusundan pa sa bahay.

Iyon nga lang, hindi ko alam kung ginawa rin ba ng ina at kapatid niya ang pagsunod sa pagpag o dumiretso sila ng uwi. Nahiya naman kasi ako na balaan sila dahil baka hindi sila maniwala. Hanggang isang araw, nagkukuwentuhan kami ng ina ni Jessie sa inuupahan nilang silid ng bumukas at sumara ang pinto. Walang tao sa likod ng pintuan at wala ring daraanan ang hangin kaya alam kong  bumibisita ang aking tenant. At non ko rin nalaman na hindi nga nagpagpag sina Manang at ang anak niyang si Joey.

Kaya naman, may pagkakataon na sinasabi ni Joey sa akin na palagi lang nasa kuwarto nila ang kanyang Kuya. Madalas tuloy, hindi siya natutulog sa inuupahan nilang silid. Nararamdaman daw niya kasi ang presensiya ng kuya niya. Alam kong kaya nakakaramdam ng takot si Joey sa multo ng kanyang Kuya ay dahil may guilt siyang nararamdaman sa pagkawala nito, Kuwento nga ng ina nina Jessie at Joey, kahit na magkakasama sila sa iisang silid ay hindi pa rin nagkakasundo ang mga ito. Nang huling araw nga raw ni Jessie sa mundong ito, iniwanan lang ni Joey ang kapatid kahit na nakitang naghihirap na ito at gusto nang magpadala sa ospital.

Kung ang kapatid ngaay nakakaramdam na ng takot sa kaluluwa ng namayapa niyang kapatid, paano pa kaya kung ibang kaluluwa ang susunod sa’yo? Tiyak na mas makakaramdam ka ng kilabot. Kaya, talagang mas maiging sundin mo ang pamahiin tungkol sa pagpag para walang kaluluwang sumunod sa’yo. Hindi naman iyon mahirap gawin kaya sundin mo na lang.

SHARE
Previous articleMga Magbababoy Sa Mindanao, Problemado Sa ASF
Next articleChinese Horoscope; February 6

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here