Pamahiin Paglalakbay: Paraan para ika’y suwertehin

1448

Sa ayaw at sa gusto natin, mangyayari ang nakatakda kaya wala tayong ibang magagawa kundi ang maghanda. Kaya lang, napakahirap naman talagang isipin na sa paglabas mo pala ng iyong tahanan ay pupuwedeng hindi ka na makabalik pa. Kahit naman kasi anong ingat ang gawin natin, hindi natin mapipigil ang aksidente at ang pagragasa ni Kamatayan.

May iba namang naaaksidente na hindi umabot sa kamatayan dahil hindi pa nila talaga oras. Kaya naman, maaari kitang bigyan ng paraan para ikaw ay suwertehin sa’yong paglalakbay. Gusto mo ba? Kung ‘oo’, kailangan mong basahin ang Pamahiin Paglalakbay.

Una, pagsusuot ng medyas. Kung gustuhin mo talagang suwertehin ka sa’yong paglalakbay kailangan mong unahing isuot ang kanan mong medyas.

Pangalawa, siguraduhin ang iyong paghakbang. Kung ayaw mong maksidente habang nagmamaneho o kaya habang lulan ka ng sasakyan, siguraduhin mong kanang paan ang gagamitin mo sa paghakbang pagpasok ng sasakyan.

Pangatlo, para hindi mahuli ng pulis. Kailangang ihalik mo ang iyong mga daliri at ihipo sa bubong ng sasakyan. Gayunpaman, hindi inirerekomenda na lumabag sa batas trapiko. Kailangan siyempreng pirming susundin ang anumang klase ng batas kung ayaw mong mapunta sa likod ng rehas.

Pang-apat, paalala kapag pumasok sa loob ng tunnel. Huwag ka raw hihinga o pigilan mo ang iyong paghinga kapag pumasok ka sa loob nito at huwag kang gagawa ng kahilingan na makakasama sa isang tao dahil magkakatotoo ito.

Panlima, pagkadapa o pagkatalisod. Kung nangyari ito bago ka lumabas o pagkalabas pa lang ng bahay ninyo, makabubuting huwag ka na tumuloy sa’yong pupuntahan. May tendensiya kasi na maaksidente ka o mapahamak.

Pang-anim, kung lilipat ng bahay. Huwag mo na raw dalhin ang pusa mo kapag lumipat ka ng tahanan dahil maaring malasin ka sa bago mong tahanan. Ang tanong nga lang, matitiis mo bang iwanan ang alaga mong pusa kung mahal na mahal mo ito? Nakatitiyak akong ‘hindi’ ang isasagot mo. Gayunpaman, ikaw pa rin ang bahalang magdesisyon.

Pang-pito, kapag sinusundan ng pusa. Huwag ka namang makaramdam ng pagkairita kapag may pusang sunod ng sunod sa’yo dahil may maganda siyang gustong ibalita sa’yo. Alam mo kung ano? Matuwa ka at magpapalakpak dahil magkakapera ka.

O, maglalakbay ka ba? Kung aalis ka, huwag na huwag mong kalimutang gawin ang mga ito. Gayunman, hindi naman kita pinipilit maniwala sa pamahiin pero, ano ba ang mawawala kapag sinunod mo ito? Maari pa ngang maging daan ito para ikaw ay suwertehin o di kaya naman ay makaiwas sa napipintong kapahamakan.

Salamat sa pagbasa ng Pamahiin Paglalakbay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here