PAMAHIIN: Pagdedeliryo, May Malas at Suwerteng Hatid

0
190

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Naranasan mo na ba na makakita ng taong nagdedeliryo o nag-aagaw buhay? Naranasan ko na ito sa mismong pag-aagaw buhay ng aking ina. Nataranta ako at hindi ko malaman ang gagawin kung paano ko siya matutulungan na mahabol pa at mabawi ang kanyang buhay. Mahigpit kong hawak ang kanyang kamay at nakita ko mismo ang pagtirik ng kanyang mata. Sadya nga yatang kapag oras na ng isang tao ay wala na tayong magagawa kundi pakawalan siya at ipaubaya sa Diyos ang kanyang kaluluwa. Natakot lang ako nang may mabasa ako kaugnay sa pamahiin ng pagdedeliryo. Ang unang ibabahagi ko sa inyo ang nagbigay ng takot sa akin dahil pangalan ko mismo ang huling binanggit ng aking ina bago siya mawalan ng hininga. Pero nawa’y dagdagan pa ng Diyos ang aking buhay para sa aking mga anak. Narito ang mga pinaniniwalaang malas at suwerteng hatid ng pagdedeliryo.

Malas. Ang pangalan ng tao na huling binanggit ng namatay ang siyang susunod dito sa kamatayan.

Suwerte. Kung dalawa ang maysakit sa bahay at nag-agaw buhay ang isa, ang naiwang maysakit ang siyang gagaling at mag-iimprove pa ang kalusugan.

Malas. Kung sa unang araw ng taon ay matanda ang nag-agaw buhay at namatay, sa buong taon ay mas marami ang matandang mamamatay.

Suwerte. Ang huling bagay na hinawakan ng namatay ay kailangan mong itago dahil ito ay may kakambal na suwerte simula sa oras ng pagkamatay.

Malas. Kapag ang nag-aagaw buhay ay kaaway mo at nakuha ka pa niyang saktan at kagatin, dapat mo rin siyang kagatin upang hindi malipat sa’yo ang kamalasang taglay niya.

Suwerte. Ang higaan ng mamamatay ay hindi dapat nakapuwesto ng pa-timog at hilaga. Ito ay dapat nakadireksyon ng pa-silangan at kanluran. Ang ulunan nito ay dapat nakaharap sa kanluran. Ito ay upang mapadali ang proseso ng kanyang kamatayan at hindi siya gaanong mahirapan.

Ilan lamang ang mga iyan sa malas at suwerteng iniuugnay sa mga nagdedeliryo. Mga pamahiin na patuloy na pinaniniwalaan sa iba’t-ibang panig ng bansa lalo na sa mga probinsya. May paniniwala din na nakikita ng taong nag-aagaw buhay ang mga yumao na niyang kamag-anak. Isa sa kanila ang naatasang sumundo sa kanya. Sa kabila ng lahat ng ito, ang panalangin pa rin ang pinakamainam nating gawin habang may taong nag-aagaw buhay, malapit man ito o hindi sa puso natin.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here