Pamahiin Pagbibigay: Huwag huhugasan ang plato

Likas sa ating Pilipino ang pagiging mapagbigay kaya kahit wala na halos pera ang ating bulsa, nagagawa pa niyang magbigay ng limos.Iniisip kasi natin na mayroon pang higit na nangangailangan sa atin. Binibigyang halaga rin natin ang mga importanteng okasyon sa ating buhay. Kaya, kahit may mga pagkakataon na kahit kinakapos tayo ay nakukuha pa nating maghanda at mamigay.

Kapag ikaw naman ay nabigyan ng pagkain mula sa kapamilya o kapitbahay na may handa, siguradong over ang kasiyahang iyong nararamdaman lalo pa at kinakapos siya sa budget. Kaya naman sa kagustuhan mo na mapasaya rin ang nagbigay sa’yo ng pagkain ay lilinisin mong mabuti ang platong pinaglagyan niya ng pagkain.

Naku, maling mali ang istilo mo na ‘yan lalo na kung ang pagbabasehan mo ay ang pamahiin. Sabi kasi, di mo dapat hinuhugasan ang plato kung binigyan ka ng pagkain sapagkat di na iyon masusundan pa. O, kung nais mo naman, hugasan mo ang plato pero lagyan mo rin ng kapalit para di maputol ang inyong pagbibigayan.

Siguro ay di mahirap sa’yong gawin ito lalo na kung makapagbibigay ito sa’yo ng kaginhawahan.

 

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here