Pamahiin Nunal: Kahulugan ng iyong nunal

9
67370

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

Ang Pamahiin Nunal ay tungkol gatuldok na mantsa sa ating balat na maaari raw magbigay sa atin ng suwerte o kamalasan. Naniniwala ka ba rito? Anuman ang opinyon mo, naririto ang iba’t ibang kahulugan ng mga nunal na nasa ating mukha’t katawan. Game ka bang malaman kung anong ibig sabihin ng iyong nunal? Basahin mo itong Pamahiin Nunal.

 

Nunal sa ulo.

Katalinuhan, ‘yan ang unang papasok sa ating utak kapag narinig natin ang katagang ulo. Dahil kasi rito, nagagawa nating makapag-isip at makapagdesisyon. Kaya, naman kung magkakaroon tayo ng nunal sa ating ulo, magtatanong tayo, anong magagawa noon sa ating pagkatao?

 

Nunal sa kanang bahagi ng ulo. Siya ay kilala sa lipunan. Maaaring siya ay magiging pulitiko. Dahil nga nasa mataas na bahagi ang kanyang nunal, nangangahulugan lamang na may kakayahan talaga siyang mamuno.

 

Nunalsa kaliwang bahagi ng ulo. Siya ay magiging maka-Diyos. Siya ang tipo ng tao na pipiliing gawin kung ano ang tama.

 

Nunal sa likod ng ulo. Siya ay emosyonal. Konting drama lamang, siya ay napapaiyak. Kaya naman swak sa kanya ang maging artista dahil maari siyang magpakita ng iba’t ibang klase ng emosyon. ‘Yun nga lang kapag nasaktan siya ay nahihirapan siyang mag-isip ng tama. May pagkakataon kasi na sa sobrang emosyonal niya, gugustuhin na rin niyang wakasan ang kanyang paghihirap.

 

Nunal sa noo. Kapag ito’y nasa kanang bahagi ng noo, ang taong ito ay yayaman at makikilala. Maari rin siyang makatangap ng mga awards. Kung nasa kaliwang bahagi ng noo, siya ay hindi marunong rumespeto sa kanyang kapwa. Kaya naman, hindi rin niya dapat asahan na igagalang siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

 

 

Nunal sa mukha

Kapag mayroon tayong nunal sa mukha, kahit na gaano pa kaganda ang bihis natin, ito ang unang mapapansin. Kung minsan ay nakakairita lalo na kapag ang nunal mo ay may kalakihan o ‘yung tinatawag na buhay na nunal. Gayunpaman, para naman sa iba, ang pagkakaroon ng nunal sa mukha ay nakakapagbigay din sa’yo ng attraction. Kaya, saang parte ba ng mukha mo naroroon ang iyong nunal?

 

Nunal sa sentido. Makakapag-asawa ka nang maaga at may pera na darating sa’yo. Kaya, kahit na raw makapag-asawa ka agad, hindi kayo magkakahiwalay dahil mayroon din kayong pera. Sabi nga, kapag happy ang wife, happy din ang life ni mister. Mangyayari lang iyon kung wala silang anumang problema.

 

Nunal sa kilay. Kapag nasa gitnang bahagi ng kilay ang nunal, ito ay nagsasaad ng pangalan, katanyagan at kayamanan. Dagdag pa rito, kahit anong kunin niyang kurso o anuman ang pangarap niya, siya ay magtatagumpay.  Kapag naman nasa kanang bahagi ng kilay, nangangahulugan na makapag-asawa ng maga pero makakatagpo ng mabuting kabiyak. Samantala, kung nasa kaliwang bahagi naman ang nunal sa kilay, siya ay makakaranas ng paghihirap

 

Nunal sa talukap ng mata. Kung ikaw ay may nunal sa kanang talukap, ibig sabihin, magkakaroon ka ng magandang trabaho at kikita ka ng malaki. Basta, ipagpatuloy mo lamang ang pananalig sa Maykapal. Kung ikaw naman ay mayroong nunal sa kaliwang talukap, seloso o seslosa ka. Gayunpaman, okay pa rin ang iyong pamumuhay.

 

Nunal sa mata. Kung ikaw ay mayroong nunal sa kanang mata, madali kang magkakaroon ng pera. Bukod doon ay masuwerte ka pa at kayang-kaya mong yumaman kahit hindi ka magtrabaho ng husto. Kung ikaw naman ay may nunal sa kaliwang mata, mapagmataas at laging may hinanakit. Kung ang nunal mo naman daw sa loob ng mata ay malapit sa tenga, ikaw ay mapagbigay kaya lang papanaw agad samantalang kung ang nunal mo naman ay malapit sa ilong, mamamatayan ka ng kapamilya. Maaaring ito ay anak mo. 

 

 

Nunal sa tenga. Masuwerte ka kung ikaw ay mayroong nunal sa tenga dahil ang ibig sabihin niyan, magkakaroon ka ng maraming pera kaya lahat ng ibigin mo ay iyong mabibili. Kaya nga lang, marami ka ring pagkakagastahan kapag mayroon kang nunal sa tenga. Kung ang nunal mo ay nasa tuktok ng iyong tenga, sinasabing napakatalino mo. Kung ikaw naman ay may nunal sa loob ng tenga at ito ay nasa kanan, ibig sabihin,  stick to one ka at magagawa mong itaguyod ang iyong pamilya. Kung ikaw naman ay mayroong nunal sa kaliwang tenga, makakatagpo ka ng mabait na asawa.

 

Nunal sa ilong. Ang taong may nunal sa tungki ng ilong ay mataas ang respeto sa kanilang sarili. Kung ikaw naman ay may nunal sa kanang bahagi ng iyong ilong, ikaw daw aymagkakaroon ng maraming pera kahit hindi ka naman ganoong nagtatrabaho. Masama naman ang ibig sabihin kapag nasa kaliwang bahagi ng ilong mo ang nunal. Kung ang nunal naman ay nasa nose bridge, ibig sabihin ay marami siyang pagdaraanan habang kinukuha niya ang kanyang gusto. Bukod doon, madali rin siyang mawalan ng pera.

 

Nunal sa gutli. Ito ay ‘yung parang tulayna nasa pagitan ng ating ilong at labi. Ang sabi nga ng matatanda, kung wala ka nito, ikaw ay isang engkanto. Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin kung may nunal ka rito? Kapag makikita ang nunal sa gitna ng iyong ilong at labi, malaki ang tendensiya na magkaroon ka ng kambal na anak. Kung makikita naman ang iyong nunal sa kanan o kaliwang bahagi, madaldal ka.

 

Nunal sa baba. Kung ikaw ay mayroong nunal sa baba, marunong kang rumespeto sa paniniwala ng iba. Kung ang nunal mo naman ay nasa kanang bahagi ng iyong baba, ikaw ang laging pumapagitna sa away. Kung ang nunal mo naman ay nasa kaliwang bahagi ng iyong baba, masyado kang prangka at agad kang nakakahagilap ng away.

 

Nunal sa labi. Ang tao naman na mayrong nunal sa itaas ng labi ay mabait talaga kaya nga marami ang gusto siyang kasama. Kaya nga lang magastos siya. Kapag naman ang nunal ay nasa ibabang bahagi ng kanyang labi, siya ay mahilig sa pagkain at sining. Kung ang nunal naman niya ay nasa mismong itaas na bahagi ng loob kanyang labi, siya ay mahilig sa mga kababalaghan. Kung nasa ibabang bahagi ng mismong loob ng kanyang labi, siya naman ay lasengero. Hindi niya makontrol ang kanyang sarili sa sobrang pag-inom ng alak. 

 

Nunal sa pisngi. Kapag ang tao ay mayroong nunal sa kanang bahagi ng kanyang pisngi, siya ay mapagmahal at marespeto sa kanyang mga magulang. Kung ikaw naman ay mayroong nunal sa iyong kaliwang pisngi, ikaw ay arogante at magaspang ang pag-uugali.

 

Nunal sa dila. Kung ang isang tao ay mayroong nunal sa gitnang bahagi ng kanyang dila, siya ay may problema sa pagsasalita at kanyang kalusugan. Ngunit, marami man siyang pinagdaranan habang siya ay nag-aral, magagawa rin naman niyang maging matagumpay pagkaraan. Kung ikaw naman ay mayroong nunal sa dulo ng dila mo, ikaw naman ay matalino kaya madali mong napapaniwala ang mga tao sa’yong pagsasalita.

 

Nunal sa leeg. Kung ikaw ay mayroong nunal sa likod ng leeg mo, mayroon ka namang normal na buhay kaya nga lang madali kang magalit. Kung ang nunal mo naman ay nasa harap ng leeg mo, ikaw ay mahilig sa sining. Kaya naman magkakaroon ka ng magandang buhay. Kung nasa gilid naman ng leeg mo ang iyong nunal, ikaw ang tipo ng tao na hindi marunong tumanggap ng katwiran.

 

Nunal sa balikat. Kung ikaw ay mayroong nunal sa kaliwang balikat, ikaw ay mahilig makipag-away. Naniniwala ka rin na ikaw palagi ang tama at hindi ka marunong sumunod. Kung ang nunal mo naman ay nasa kanang balikat mo, ikaw ay talagang mapagkakatiwalaan. Kaya naman, nagagawa mong makapagtago ng sikreto.

 

Nunal sa dibdib. Kung ikaw ay may nunal sa kanang bahagi ng dibdib, ikaw ay namumublema sa pera at hindi ka magtatagumpay gayunpaman marami pa rin ang rerespeto sa’yo. Kung sa kaliwang bahagi naman ng iyong dibdib, ikaw ay sakim. Kung ang nunal mo naman ay nasa pagitan ng kanan at kaliwa mong dibdib, ikaw ay malapit sa Diyos kaya nga lubog ka sa utang.

 

Nunal sa braso. Ang mga taong mayroong nunal sa kilikili ay matalino, maganda o pogi at masipag. Kaya naman lagi siyang nagagantimpalaan. Ang tao namang mayroong nunal sa kanyang braso ay mabait dahil kahit nakasuong siya sa mga problema, cool pa rin siya. Kung ikaw naman ay mayroong nunal sa siko ikaw ay mayrong mataas na ambisyon. Gusto mo kasing makapaglakbay palagi.Para siyempre magawa mo iyon, kailangan mo ng salapi.  Kung ikaw naman ay mayroong nunal sa pulsuhan, ikaw ay malikhain. Kung ikaw naman ay mayroong nunal sa palad, ikaw ay masigla parati at masipag. Hindi ka naman daw karapat-dapat pagkatiwalaan kung ikaw ay may nunal daliri.

 

Nunal sa tadyang. Kung ikaw ay may nunal sa kanang tadyang, ikaw ay maraming kinatatakutan dahilan kaya madalas kang magsinungaling. Kung ikaw naman ay may nunal sa kaliwang tadyang ikaw ay mayroong pangkaraniwang buhay.

 

Nunal sa likod. Kung ikaw ay may nunal sa itaas na bahagi ng iyong likod, ikaw ay responsable at kaya mong panindigan ang mga desisyon mo sa buhay. Kung ang nunal mo naman ay malapit sa’yong backbone, ikaw ay magiging tanyag sa anumang gusto mong puntahan. Kung sa ibabang bahagi naman ng likod mo, ikaw ay creative, matalino at mapagkakatiwalaan.

 

Nunal sa suso. Kung ang tao ay mayroong nunal sa kanang suso, siya ay may bisyo. Kung mayroon siyang nunal sa kaliwang suso siya naman ay mayroong magandang trabaho. Kung siya naman ay may nunal sa kanyang nipple, siya naman ay magiging sikat.

 

Nunal sa pusod. Ang babaeng mayroong nunal sa kanyang pusod ay magkakaroon ng maraming anak. Ang dahilan, sila kasi ay nakapirmi lang sa bahay.Ang lalaki namang may nunal sa pusod ay yayaman at magkakaroon ng anak na sikat.

 

Nunal sa tiyan. Kapag siya ay mayroong nunal sa kanang bahagi ng kanyang tiyan, siya ay pag-ibig ang kahinaan. Selosa naman ang taong mayrong nunal sa kaliwang bahagi ng tiyan. Ang gusto rin nila ay kumita ng pera sa madaliang paraan.

 

Nunal sa balakang. Kapag naman ang tao ay may nunal sa kanyang balakang, siya naman ay may magandang buhay. Hindi lang sa kanyang trabaho, pati na rin sa kanyang personal na buhay.

 

Nunal sa ari. Mga tapat sila kung umibig. Wala rin silang itinatagong anuman. Kumbaga ang kanilang buhay ay alam ng lahat.

 

Nunal sa hita. Ang mga taong may nunal sa kanang hita mayroong malaking oportunidad na makapunta sa ibang bansa. Mapapalad din sila sa kanilang lovelife. Ang mga taong mayroon namang nunal sa kaliwang hita ay artistic at mapagmahal sa kalikasan. ‘Yun nga lang tamad at hindi nakikihalubilo sa mga tao. Mas gusto kasi nila ‘yung nakakulong sa bahay.

 

Nunal sa tuhod. Ang mga tao na mayroong nunal sa kaliwang tuhod ay nagti-take ng risk at responsibilidad. Tapat din siya. Ang mga tao namang may nunal sa kanang tuhod ay palakaibigan. Ila rin ay masayang kasama.

 

Nunal sa binti. Ang taong may nunal sa bukung-bukong ay naniniwala naman kay God kaso maaari siyang magkaroon ng kaso. Ang tao namang mayroong nunal sa paa ay magkakaroon ng mabuting asawa at masayang pamilya ngunit magkakaproblema sa salapi. Ang mga tao namang may nunal sa talampakan ay lakwatsero’t lakwatsera. Hindi kasi siya mapakali sa iisang lugar kaya parang hindi siya naubusan ng enerhiya. At ang mga tao naman na mayrong nunal sa daliri sa paa ay magkakaasawa ng mayaman pero hindi pa rin masaya sa kanyang buhay. 

 O, saan bahagi ng mukha’t katawan mo ang mayroong nunal? Sige na, tingnan mo na ang kanyang kahulugan sa Pamahiin Nunal.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

9 COMMENTS

    • iNING yaan ay delikado maaring isa yang dulot ng mas malalang sakit, ang kulay green ay sumisimbulo sa trees or natures pero kung sa katawan ng tao eto ay lubos talagang delikado iisa lang ang kulay ng pinoy ito ay brown o kayumanggi walng gree. kaya Ining payo lamang ikaw ay mag pacheck up sa malapit na center sa inyo libre iyon. (: para maiwasan ang mas malalang sakit dulot ng berdeng nunal.

  1. Meron po aqng nunal s loob ng aking mata sa daanan ng luha ung balat s gilid ng mata pero nsa loob xa anu pong ibigsabihin noon kaliwa qpo na mata.buhay po xa minsan nangangati xa.. wla nmn aqng npapansin na kakaiba o pangyyri..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here