PAMAHIIN; Mga Pamahiin sa Dilim

0
548

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Sa dami ng ating pinaniniwalaang pamahiin kung minsan ay hindi na natin alam kung ano ang ating dapat na paniwalaan at hindi. Wala namang masama kung susunod tayo dito as long as hindi ito magiging sagabal sa ating pag-unlad at hindi magdudulot ng kapahamakan sa ating kapwa. Kaya piliin lang natin ang ating paniniwalaan. Ang mga sumusunod na pamahiin ay may kinalaman sa mga gawaing hindi dapat gawin sa pagsapit ng dilim.

1.Masama raw magsuyod tuwing gabi dahil sa halip na mabawasan ang iyong mga kuto at lisa ay lalo itong dadami.

2.Masama raw maggupit ng kuko sa gabi dahil kundi man malalagay sa kapahamakan ay mamamatay ang iyong nanay.

3.Masama raw maligo sa gabi dahil ang mga suwerteng nasa iyong katawan ay mapapalis. Dapat ay maglinis lang ng katawan.

4.Ang mga bata ay masamang magpagala-gala kung gabi na lalo na ang hindi pa binyagan dahil mapagkakatuwaan sila ng mga masasamang elemento na karamihan ay hindi tao kundi maligno.

5.Masamang dumaan sa sa sementeryo kapag gabi na kung hindi ka magpapatabi-tabi sa mga kaluluwa dahil kung hindi ay susundan ka nila saan ka man magpunta.

6.Kapag nakasalubong ka ng isang matanda pag gabi na, dapat kang magbigay galang halimbawa ay magmano ka o kaya ay yumukod dahil ang matanda na makakasalubong mo sa dilim ay maaaring isang engkantada, maligno o diwata at hindi ang iyong kakilala na iyong inaakala.

7.Kung sa inyong bahay ay may kumatok ng tatlong beses at pagbukas mo ay wala namang tao, kinakailangan mong mag-alay ng isang pinggan na may kanin at sabaw bilang alay sa isang hindi nakikitang nilalang. Maaaring ito ay isang ligaw na kaluluwa na napadaan lang at nais magpalipas ng gabi o kaya naman ay isang maligno.

8.Masamang tumakbo kapag gabi na dahil maaari kang makatapak ng duwende.

9.Masamang umihi sa mga damuhan tuwing gabi lalo na ang mga naninirahan sa probinsya at malapit sa gubat dahil baka may maihian silang maliit na nilalang at sila ay parusahan.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga pamahiing naiuugnay sa dilim. Dahil ang kadiliman ay nagkakanlong ng napakaraming hiwaga. At ang mga hiwagang ito ay patuloy nating tinutuklas. fffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here