PAMAHIIN; Mga Hindi Mo Dapat Gawin sa Gabi

10523

Ang lahat ng bagay ay may tamang oras para gawin. May mga dapat gawin sa umaga at meron din namang mga dapat gawin sa gabi. Ayon sa pamahiin, may mga bagay rin na hindi na dapat natin ginagawa pagsapit  ng gabi dahil ito ay may mga kaakibat na kamalasan. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.

1.Masamang maggupit ng kuko sa gabi. Kung minsan kapag nakaligtaan nating gupitin ang kuko natin sa umaga ay ginagawa na lang natin ito sa gabi. Pero masama raw ito dahil mamalasin ka kinabukasan.

2.Masamang magwalis sa gabi. Sa hapon pa lang ay magwalis ka na dahil hindi mo na ito pwedeng gawin sa gabi kundi ay para mo na ring winalis ang grasya. Lalo na kung ito ay winawalis mo palabas ng pintuan.

3.Bawal magturo sa gabi. Kung may ituturo ka sa gabi , dapat mong kagatin ang iyong daliri. Kapag daw kasi nagturo ka ay baka aksidente mong mapinpoint ang isang engkanto at parusahan o di kaya ay paglaruan ka nito. Kaya kung nakapagturo ka na ay kagatin mo ang daliri mo bilang tanda ng iyong pagsisisi at respeto sa ibang nilalang.

4.Masamang maligo sa gabi. Maligo ka na sa araw at hapon huwag lang sa gabi. Mababawasan daw ang iyong dugo. Kaya kung ayaw mo na may magdonate pa ng dugo para sa’yo ay huwag mo na itong gawin.

5.Huwag matutulog ng basa ang buhok. Kung bawal maligo sa gabi, bawal din ang matulog sa gabi ng basa ang buhok kung ayaw mong gumising ng wala ka na sa katinuan dahil sa sobrang sakit ng iyong ulo. Maligo ng maaga para matuyo rin ang buhok ng maaga.

6. Huwag mahihiga sa gabi ng Sobrang Busog. Maraming tao ang gumagawa nito. Mabuti na lang at hindi sila natitiyempuhan ng bad luck. Dahil kung ikaw ay mahihiga at makakatulog n busog, malaki ang posibilidad na ikaw ay bangungutin. Huwag din kakalimutan magdasal bago matulog upang maiwasan ang bangungot. ff

1 COMMENT

Comments are closed.