Pamahiin; Mga Hayop Na May Diprensya, Suwerte O Malas?

Mahilig ka bang mag-alaga ng hayop? Naranasan mo na bang mag-alaga ng hayop, halimbawa ay aso o pusa na may diprensya tulad ng pagiging bulag, pilay, wala sa porma ang mukha, kulang o sobra ang mga daliri sa kamay o paa at iba pang hindi pangkaraniwan? Kaya ko ito itinatanong ay dahil gusto kong ibahagi sa inyo kung ano ang nalaman ko tungkol dito.

Mahilig din ako sa mga hayop pero gusto ko lang silang nakikita at nilalaro, pero ang mag-alaga tulad ng pag-aalaga ng iba ay hindi ko nakahiligan dahil wala akong panahon at tiyaga para rito. May mga pagkakataon lang na may nakakasalubong akong asong pilay, luwa ang mata, hindi kumpleto ang bahagi ng katawan at meron akong mga kakilala na nag-aalaga ng mga ganitong hayop. Kaya isang beses ay naisipan kong makipagkuwentuhan sa isa sa mga kakilala ko tungkol dito.

Ang tanong ko, bakit siya nagtitiyagang mag-alaga sa isang disable na aso kung pwede naman siyang mag-alaga ng ibang aso na walang diprensya. Ang sabi niya sa akin, ang kanila daw pamilya ay mapamahiin. Ang sabi raw ng lola niya noon ay malas ang mag-alaga ng hayop na may disability. Pero isang beses ay umuwi ang tatay niya dala ang isang asong pilay, ang sabi ng tatay niya, askal daw iyon na ilang araw na niyang nakikita na pagala gala malapit sa pinagtatrabahuhan niya, naawa siya kaya lagi niyang pinapakain at nang mapaamo na nga niya ay inuwi na niya sa bahay. Nagalit ang lola niya dahil malas daw ‘yon. Pero hindi nagpatinag ang tatay niya, nangibabaw ang awa niya sa aso. Ang nakakagulat, mula nang maiuwi ng tatay niya ang aso sa kanilang bahay ay nagsunud-sunod na ang pasok ng suwerte. Subalit nang mamatay na ang aso ay tila isa-isang gumuho ang mga suwerteng inakyat nito sa kanilang bahay. Kaya ngayon ay buong puso niyang tinatanggap at inaalagaan ang mga asong may kakulangan na ibinibigay sa kanya ng Diyos. Hindi man ganoon kalaki ang suwerteng naibibigay ng mga ito sa kanya ngayon ay wala naman siyang nararanasan na malaking kamalasan buhat nang mag-alaga siya ng mga ito. Kaya naniniwala siyang suwerte talaga ito.

Sa aking palagay,bukod sa asong pilay, isa rin sa umakit ng suwerte paakyat sa kanilang bahay ay ang kagandahang loob ng kanyang ama para sa isang hayop na may kakulangan. Dahil ang pagkakaroon ng positive mind ng isang tao towards the other kahit pa ito ay isang hayop, is a big big thing.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here