Pamahiin Mamimili: Siya ba ay suwerte o malas?

Huwag mong iisipin na porke maraming pera ang isang tao, susuwertehin ka na kapag namili siya sa mga tinda mo. Hindi iyon ang basehan para masabi mong magiging suwerte kasa buong araw. Depende kasi iyon sa pagkatao ng bumibili sa’yo. Para higit mong maunawan ang aking sinasabi, basahin mo na lang ang artikulo na ito na pinamagatang Pamahiin Mamimili: Siya ba ay suwerte o malas?

Ang Taong Suwerte. Siya ay iyong magaan kasama kaya naman kapag siya ang nag-buena mano sa’yo, asahan mo na marami ang bibili sa’yo buong araw. Kung paano mo sila makikilala, simple lang, sila iyong taong palangiti o masayahin. Ang pagiging positibo nila ay talaga namang nakakahawa kaya pati ikaw ay mapapangiti at susuwertehin.

Ang Taong Malas. Marami man silang pera, marami naman silang galit o hinanakit na nararamdaman. Ang pagiging negatibo nila ay talaga namang nakakahawa. Kung siya ang bibili sa’yo, kahit siya pa ay maraming items na kinuha, di pa rin magiging maganda ang pasok ng pera sa’yong negosyo dahil may kamalasan siyang dala-dala.

Sigurado naman ako na hindi mo rin gugustuhin na malasin, kaya piliin mo rin ang customers mo lalo na iyong unang bibili sa’yo. Iyon nga lang, mamalasin ka rin kung tatanggi ka sa unang customer na lalapit sa’yo. Para maitaboy mo ang kamalasang hatid ng taong may matinding galit sa puso, mas maigi kung ikaw na negosyante ay magiging masayahin para mas suwertehin ang iyong negosyo.

O, sino ka ba, ang negosyante o ang mamimili?

SHARE
Previous articleANG 1926 BARACK OBAMA PROPHECY
Next articleTaong Makapal ang Bulsa, Lagi bang Happy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here