Pamahiin Luha: Paalala sa mga Naiwan

Kahit na gaano kahalaga sa atin ang isang tao, kailangan na natin siyang pawalan kung dumating na ang araw ng kanyang kamatayan. Iyon nga lang, may pagkakataon na hindi lang naman pagmamahal ang dahilan kaya sobra-sobra ang pagluha mo. Maaari ring kaya ka lumuluha ay dahil sa guilt na iyong nararamdaman.

Tulad na lamang ni Joey, sobra-sobra ang pag-iyak niya ng mamatay ang kanyang Kuya dahil kahit magdadalawang buwan na ang nakalilipas ay sobra-sobra pa rin ang kanyang pagsisisi. Nakita na kasi niyang namimilipit sa sakit ang nakatatanda niyang kapatid pero inaakala niyang nag-iinarte lang kaya hindi niya ito pinansin. Inutusan pa nga niya itong mag-igib ng tubig. Kaya, nu’ng mamatay kinagabihan ang kanyang kapatid ay todo-todo ang kanyang pag-iyak.

Ewan ko nga lang ba kung sa sobra niyang pag-iyak ay natuluan niya ng luha ang kabaong ng kanyang kapatid. Hanggang ngayon kasi ay sinasabi niyang parang kasama pa niya sa loob ng kanilang kuwarto si Jessie. Hindi ko naman siya matanong dahil nagiging sensitive siya kapag napag-uusapan ang kanyang kapatid.

Kung sakali man na natuluan ng luha ni Joey ang kabaong ni Jessie habang nakaburol ito, iyon ang dahilan kung bakit nararamdaman pa rin niya ang kanyang kapatid hanggang ngayon. Hindi matahimik ang kaluluwa ng namatay dahil sa kanyang pag-alis ay mayroon siyang kapamilya na nagdaramdam.

Kaya sana ay magsilbing leksyon ito sa’yo, huwag mong hahayaang matuluan ng luha mo ang kabaong ng iyong minamahal, kapamilya mo man o hindi, huwag na huwag mo ‘yang hahayaang mapatakan ng iyong luha. Malaki kasi ang tendensiya na sundan ka na lang niya palagi. Ang tanong, gusto mo bang mangyari iyon?

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 25, 2020
Next articleANG SKY BURIAL NG MGA BANGKAY SA TIBET

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here