Pamahiin; Limang Masuwerteng Bagay

Ang mga tao na naniniwala sa pamahiin ay mahilig  maglagay sa kanilang mga bag o wallet ng mga bagay na sa tingin nila ay makapagbibigay sa kanila ng suwerte. Marami tayong pwedeng gawing lucky charms tulad ng mga bagay na napulot natin, mga bagay na bigay ng taong mahalaga sa’tin, mga bagay na binili natin mula sa isang espesyal na lugar. Pero anu-ano nga ba ang tunay na makapagbibigay sa atin ng suwerte. Narito ang lima sa pinaniniwalaan na makapaghahatid sa atin nito.

1.Napulot na barya. Kung ikaw ay makakapulot ng piso sa daan o kahit na ano pa mang coins na nakatihaya, ito ay pinaniniwalaan na makapagbibigay ng suwerte sa’yo. Maaari mo itong ilagay sa iyong wallet bilang pampasuwerte lang at huwag gagastusin.

2.Paa ng kuneho. Sinasabing ang kaliwang paa ng kuneho na nahuli sa sementeryo ay makapagbibigay ng suwerte sa’yo dahil kaya nitong labanan ang mga itim na mahika. Pero napakadelikado naman kung pupunta ka pa ng sementeryo para mag-abang ng kuneho at putulin ang paa nito. Nakakaawa naman ang kuneho. Mas mabuti kung bibili ka na lamang ng keychain ng paa ng kuneho o kaya magtahi ka nito sa isang maliit na tela at siya mong ilagay sa iyong bag. Pwede rin naman ang drawing lang nito.

3.Numero pito. Maraming pinagbabasehan kung bakit sinasabing suwerte ang number 7. May pitong araw sa loob ng isang linggo. Pito ang kulay ng bahaghari. Sa ancient Greeks, naniniwala silang ang pito ay perpektong numero, ito ay sum ng 3 (triangle) at 4 (square). Kung meron kang at least keychain na number 7 sa iyong bag o kaya ay number 7 na palawit ng iyong kuwintas, hindi magiging mailap sa’yo ang suwerte.

4.Ladybugs. Pinaniniwalaan din na makapagbibigay ng suwerte ang ladybugs. Sinasabing kapag ang isang lalaki at isang babae ay nakakita ng ladybug nang sabay, sila ay magkakagusto sa isa’t-isa. Kung may ladybug naman na dumapo sa iyong balikat at hindi mo ito inalis, ikaw ay susuwertehin. Maaari kang magkaroon ng pampasuwerteng ladybug halimbawa ay ladybug pot na ilalagay mo sa iyong computer desk, ladybug design sa iyong pamaypay or any other ladybug crafts.

5.Horseshoes. Ang sapatos ng kabayo ay matagal nang kilala bilang pampasuwerte. Sinasabing suwerte ito dahil ito ay gawa sa iron. At pinaniniwalaan na ang mga bad fairies ay takot sa iron. Maaari mo itong isabit sa pintuan ng bahay o pintuan ng iyong kuwarto upang maattract nito ang suwerte papasok.