Pamahiin Ligaw: Nasa Damit ang Solusyon

Hindi porke may dala kang waze ay makakarating ka na talaga sa’yong paroroonan kaya kailangan mong maging mapag-obserba lalo na kung ikaw ay pupunta sa estrangherong lugar. Baka kasi mamaya ay hindi ka na makalabas pa sa’yong kinaroroonan kahit na anong ikot o maneho ang iyong gawin. Ibig kasing sabihin nito ay may nilalang na naglalaro sa’yo. At kung hindi mo mahanap ang labasan, baka makulong ka na roon habambuhay.

Nakakasiguro naman ako na hindi mo rin ito gugustuhing mangyari kaya kinakailangan mong maging matalino. Huwag kang uunahan ng kaba. Tandaan mo, lahat ng problema ay mayroong solusyon at kung sa tingin mo ay naliligaw ka na, baligtarin mo na lamang ang damit mo.

Kapag nagawa mong baligtarin ang iyong damit ay hindi ka na maliligaw pa. Nagawa mo na kasing kontrahin ang panliligaw na ginagawa sa’yo ng mga elemento na nasa lugar na iyon. At malaya ka ng makakalabas sa lugar na iyon.

O, ready ka na bang maglamyerda? Ingat ka, ah.

SHARE
Previous articleANG MISTERYO SA MUKHA NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO
Next articleGuro, Mas Malaki Nga Ba Ang Responsibilidad Kaysa Magulang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here