Pamahiin; LARAWAN

0
480

Mahilig ka bang magpalitrato? Kung oo, naniniwala ka ba sa mga imaheng nakikita mo rito na kakaiba at hindi dapat nandoon? Sa panahon ngayon, bihira na yata ang nagpapadevelop ng picture. Karamihan kasi ay ginagawa ng photo album ang social media. Pero kung isa ka sa mga nagpapadevelop pa ngayon maaaring makakita ka rin o makaramdam ng kakaiba sa iyong larawan. Ito ay dahil ang mga litrato natin ay nababalutan din ng paniniwala na may kinalaman sa pamahiin.

Noon pa man hanggang ngayon ay nagagamit na ang larawan para makulam at magayuma ang isang tao. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung mabalutan man ito ng hiwaga ng mga pamahiin.

Narito ang ilang paniniwala tungkol sa mga larawan.

1.Bukod sa mga orasyon o ritwal na ginagawa sa larawan ng isang tao para ito ay gayumahin, may iba pang paraan upang maisip ka ng taong nais mong mahumaling sa’yo. Ilagay mo lamang ang larawan niya sa ilalim ng unan mo at ikaw ang maiisip niya bago siya matulog. Isa pang dahilan ng paglalagay ng larawan sa ilalim ng unan ay para mapanaginipan mo siya at mapanaginipan ka rin niya. Maaari mo rin hilingin na magtagpo kayo sa panaginip kung pareho mong ilalagay ang larawan ninyong dalawa sa ilalim ng unan na magkatabi.

2.May paniniwala rin na hindi ka dapat nagpupunit ng litrato gayundin ang pagsunog dito. Hindi ito magiging masama para sa tao na nagmamay-ari ng litrato kundi sa iyo ang punta ng kamalasang dala nito. Kaya kung galit ka sa isang tao, huwag mong punitin o sunugin ang kanyang litrato dahil ikaw ang mamalasin, sa halip ay itago mo na lang o itapon.

3.Kapag may nakita kang kakaiba sa iyong litrato, naka-print man ito o sa cellphone lang, titigan mo itong mabuti dahil maaaring may mensahe itong nais iparating sa’yo. Kung makakita ka ng photobomber na anghel o puting usok sa iyong larawan, ito ay nangangahulugan ng suwerte, kung imahe naman ng dyablo o demonyo ang iyong makita ito ay nagbabadya ng kamalasan na paparating sa iyong buhay. Pero kung imahe ng mahal mo sa buhay na yumao ang makita mong nakasingit sa larawan, ito ay may mensaheng nais iparating sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here