Pamahiin: LANGGAM

0
240

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Ano ang naiisip mo kapag nakakita ka ng pulutong ng mga langgam? Naiisip mo ba na maaaring meron silang nais ipahiwatig sa’yo o maari din naman na sa kanilang paglalakbay sa loob ng inyong tahanan ay may bitbit na pala silang suwerte o kamalasan. Ang kasabihan na ‘having ants in ones pants’ ay tumutukoy sa taong walang pasensya o sa taong nag-aalala. Sa espiritwal na paniniwala, ang mga langgam ay sumisimbolo sa lakas, katapatan, pagkakaisa, determinasyon at pagsasakripisyo. Ipinapaalala nila sa atin na hindi magiging madali ang buhay kung hindi tayo mag-eeffort para maging madali ito. Sa kabila ng magandang simbolo na ito ay may kaakibat ding mga pamahiin ang mga langgam na nasa paligid natin. Narito at alamin natin ang ilan.

1.Kapag nakakita ka ng isang langgam na tumatawid sa isang daan, ito ay nagbabadya ng isang positibong pangyayari.

2. Kapag naman ang isang langgam ay nakita mong naglalakad palayo sa’yo, ang ibig sabihin ay may isang tao na may sinasabi tungkol sa’yo sa ibang tao.

3. Kung itim na langgam ang makikita mo sa loob ng iyong tahanan, ito ay suwerte na may kinalaman sa pera.

4. Kung bahay ng langgam ang makikita mo na nasa loob ng iyong bahay ito rin ay suwerte. Kaya huwag mong sisirain o pagtatangkaang alisin.

5.Ito ay bihira subalit once na makakita ka ng dalawang langgam na nag-aaway, nangangahulugan ito na isang kaaway ang mapapalapit sa lugar mo sa susunod na linggo.

6.Kung makakakita ka naman ng mga langgam na bumubuo ng kanilang tahanan sa loob ng inyong bakuran, panoorin lamang sila at umasa kang may malaking suwerte silang ihahatid sa’yo.

7. Kung ang itim na langgam ay suwerte ang bitbit, ang pulang langgam naman ay ikinokonekta sa evil kaya malas ang hinihinalang dala nito.

8. Pinaniniwalaan din na kapag ang grupo ng mga langgam ay nagmamartsa mula sa silangan patungong kanluran ito ay nangangahulugan na malapit na ang tag-ani.

9. Kung ang grupo naman ng mga langgam ay lumalakad mula kanluran patungong silangan ito ay nagbabadya ng pag-ulan.

10.Kapag nakatapak ka ng langgam, ibig sabihin ay may mamatay ngayong taon.

11. Kung ang pulutong ng mga langgam ay nakita mong nagmamartsa at nagtungo sa ilalim ng upuan o pintuan, ibig sabihin ay hindi nagsasabi ng totoo ang iyong kausap o ikaw ang hindi nagsasabi ng totoo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here