Pamahiin Lamay: Mga dapat Tandaan

285

Kung naging mahalaga sa’yo ang isang tao, maglalaan ka ng oras sa kanya bago tuluyang mag goodbye sa ating mundo ang kanyang katawang lupa. Ngunit, bago ka tuluyang magpuyat sa kanyang lamay, kailangan mong pakatandaan itong mga sumusunod para walang mapahamak.

Una, ang mga plato at baso sa lamay ay huwag pagpatung patungin. Magbibigay kasi iyon ng kamalasan. Maaari raw kasing magkakasunod ang mamamatay sa pamilya. Kaya hayaan na lang na magkakahiwalay ang plato at baso.

Pangalawa, kahit may katakawan ka, huwag ka naman magdadala ng pagkain mula sa lamay. Magagalit sa’yo ang kaluluwa kaya pwede kang sundan.

Pangatlo, huwag mo na gamitin pa ang baraha na ginamit sa lamay. Makabubuting sunugin nang para wala nang makapitan sa’yo ang kaluluwang namatay.

Pang apat, huwag mo pabayaang mamatay ang kandila sa lamay dahil may susunod na mamamatay sa inyong pamilya.

Panlima, huwag sisilip sa patay kung buntis o kaya may karamdaman. Maaring malaglag ang iyong anak. Kung may sakit ka naman ay lalala pa ito.

O, sana naman ay di mo babalewalain ang mga ito dahil para rin naman ito sa’yong kabutihan. Mahirap naman kasi kung ikaw ay mamalasin. Sure naman akong di mo rin gustong mangyari iyon, di ba?

MAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here