Pamahiin Katok: Tao o Elemento?

Kapag mayroong kumakatok, may ibig pumasok. Kaya naman, dapat lang na sila ay pagbuksan natin. Ngunit, kailangan munang siguraduhin natin kung sino nga ba ang kumakatok. Baka naman kasi mamaya ay isa siyang magnanakaw o rapist. Naku, tiyak na mapapahamak ka.

Alam mo bang di lang masamang tao ay maaaring kumatok sa’yong pintuan. Pupuwede rin kasing elemento o ang mga nilalang na di na kabilang sa ating mundo ang maaaring kumatok sa’yong pintuan.

Ang karaniwang tao ay walang direksyon ang katok. Hindi lang isa o dalawa kundi marami. Samantalang kung elemento ang nasa likod ng iyong pintuan, dalawa at mabagal na pagkatok lamang na maaari niyang ibigay dahil may kung anong pumipigil sa kanya. Maaari kasing may posas sa kanyang kamay kaya ganoon ang paghihirap na kanyang nararamdaman.

O, naranasan mo bang katukin ng di tao? Kung dalawang katok lang ang maririnig mo, huwag kang sasagot  dahil maaaring mapahamak ka. Ang katok ito ay nangyayari ng alas dos hanggang alas tres ng madaling araw.Kaya, kung nais mong makaiwas sa katok na ito, makabubuting matulog ka nang maaga. Malas mo lang kapag nagising ka sa pagkatok na iyon o sadyang di ka makatulog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here