Pamahiin Kasal

pamahiin on philippineone.com

Bawat babae ay gustong magkaroon ng happy ending ang kanilang lovelife, iyon nga lamang, hindi lahat ay nagkakaroon ng katuparan ang pag-ibig na kanilang minimithi, Kaya naman, kapag ang lalaki ay nag-propose na sa kanyang pinakamamahal, daig pa ni babae ang nanalo ng sampung milyon sa lotto.

Ngunit, kung inalok ka na ba ng kasal ng boyfriend mo, nakakasiguro ka ng magkakaroon na kayo ng happy ending? Hindi ang sagot. Sapagkat hindi ka naman manghuhula para malaman mo kung ano ba ang mangyayari kinabukasan o sa susunod na araw.

Para hindi ka na malito sa aking sinasabi, didiretsahin na kita. Kahit mahal na mahal ka ng boyfriend mo o labis kayong nagmamahalan, may pagkakataon na hindi natutuloy ang ‘I do’ ninyo dahil sinuway ninyo ang madalas na paalala ng matatanda. Na kapag ikakasal, kailangan ninyong sumunod sa mga pamahiin. Kaya, kung ikakasal ka, kailangan mong pakatandaan ang mahigpit na bilin sa atin.

Kung ikakasal pa lang…

Una, hindi matutuloy ang kasal kapag nagsukat ka ng wedding gown. Sabi ng marami, hindi naman totoo iyon pero bakit kapag nanonood tayo ng pelikula at kapag isinukat niya ang wedding gown ay hindi nga natutuloy. Ibig kong sabihin, kung talagang mahal mo ang mapapangasawa mo, hindi ka gagawa ng rason para hindi matuloy ang pag-iisang dibdib ninyo. Kungganoon, tiisin mong huwag isukat ang trahe de boda mo.

Pangalawa, dapat ay mas maaga ang groom sa Simbahan kaysa bride. Magbibigay daw kasi ito ng good luck sa pagsasama ng mag-asawa. Sa palagay ko naman ay hindi magiging problema ito sa future groom kung talagang mahal niya ang kanyang magiging misis. Siyempre, higit kailanman ay hindi siya gagawa ng dahilan para mangamba ang kanyang mapapangasawa. Tulad nga ng mga ipinapakita sa palabas, kapag late na dumating si lalaki, hindi na natutuloy ang kasal.

Pangatlo, hindi maaaring magpakasal ang magkapatid sa loob ng isang taon. Sukob ang tawag dito. Maaari raw kasing mag-agawan sa suwerte ang magkapatid kapag sila ay nagpakasal sa loob lamang ng isang taon.

Pang-apat, kapag ikakasal, huwag na gumala pa. Malapit daw kasi sa disgrasya kapag ikakasal na kaya makabubuting mag-stay na lang sa bahay. Siguro naman ay gugustuhin mo ring ikasal ng matiwasay. Alalahanin mo, ilang araw na lang ay makakasama mo na ang iyong pinakamamahal.

Pang-lima, magpakasal ng full moon. Ito raw kasi ang simbolo na magkakaroon kayo ng masaganang pagsasama. Siyempre, kung nais mo rin naman na suwertehin kayo, hindi mo nanaisin na hindi ito sundin.

 

Kapag kasal na…

 

Una, kapag inulan ang kasal, susuwertehin daw. Iyon nga lang, hindi ito tumutukoy sa salapi, kundi sa magkakaroon kayo ng maraming anak. Medyo nakakakaba nga lang ito dahil baka ang ‘marami’ na tinutukoy dito ay maaaring umabot ng sampu.

Pangalawa, kapag namatay ang kandila habang sinisindihan ng candle sponsor, bad luck daw ang ibig sabihin. Maaaring may mangyaring masama sa groom o bride. Depende kung saan malapit ang kandilang namatay.

Pangatlo, paghahagis ng bigas sa mag-asawa. Ang bigas daw kasi ay tumutukoy sa kasaganahan sa mag-asawa.

Pang-apat, huwag gagamit ng perlas. Ito raw kasi ay sumisimbulo sa pagluha kaya mas makabubuti kung gold o silver na lamang ang isuot kapag ikakasal.

Pang-lima, dapat maraming pagkain sa reception. Mas magiging masagana raw kasi ang buhay mag-asawa. Pero, siyempre, importante na may trabaho ang mag-asawa para naman, talagang maging masagana ang kanilang buhay.

O, siguro naman ay hindi ganoon kahirap na iwasan ang mga pamahiin sa kasal. Kaya kung ayaw ninyong di matuloy ang kasal ninyo, mas maiging sundin na lamang ninyo ang mga pamahiin. Ito kasi ang nagpapatunay na sobra mong mahal ang magiging kabiyak mo.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here