Pamahiin Karo: Sumunod kay Kamatayan

Sa panahon ng Covid-19, kahit na hindi ka naman talaga batugan ay parang tatamarin kang bumangon dahil alam mo namang wala kang gagawin, maliban na lamang kung ikaw ay kakain. Kaso nga, may pagkakataon na wala ka na ring makain kaya pinipili mo na lang matulog. O kung minsan naman ay ginagawa mong dahilan ang matulog para hindi ka mautusan.

Anuman ang dahilan mo,huwag na huwag kang matutulog kapag may karong parating. Kaya, kung ang higaan mo ay nasa kalye kailangang maging alerto ka palagi. Maaari kasing ipahamak mo ‘yan. Sabi kasi sa pamahiin, kapag may kabaong na dumaan sa tapat ng bahay mo tapos natutulog ka, maaari ka niyang isama hanggang hukay.

Ang maaari kasing maging interpretasyon ng pagkakahiga mo sa bangkay ay gusto mo na rin mamahinga habambuhay. Kaya, kung mahal mo pa talaga ang buhay mo huwag kang maging kampante. Kung talagang himbing kang matulog, mas maiging may gigising sa’yo para hindi mangyari ang maaga mong kamatayan.

O, sana naman ay pakatandaan mo itong mabuti. Huwag mong isipin na isa lang itong pamahiin at di magkakatotoo. Sapagkat ang pamahiin ay isang babala na posibleng mangyari kapag di ka sumunod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here