Pamahiin Kanta: May kamalasang hatid

Masusuwerte ang mga taong may kakayahang kumanta, nagagawa kasi nilang maipakita ang kanilang talento. Hindi lang sa harap ng kanilang mga kapamilya pati na rin sa buong mundo. Kaya nga,hindi natin mapigilan ang humanga sa mga mang-aawit. Bilang tagahanga, sinusuportahan natin ang kanilang pagkanta.

Ikaw, mahilig ka rin bang kumanta? Kahit naman hindi mo masasabing ginintuan talaga ang boses mo, kung hilig mo talaga ang kumanta ay kakanta at kakanta ka pa rin. May artista rin nga na kahit hindi magaling kumanta ay pinipilit pa ring kumanta at ang nakakatuwa ay nagkaroon pa siya ng concert na sinuportahan rin ng madlang pipol.

Kaya, kung talagang hilig mo ang kumanta, huwag mo na pigilan pa ang iyong sarili. Pupuwede ka naman kumanta sa’yong kuwarto at banyo. Kapag may gatherings pwede rin namang mag-videoke kayo. Ang kailangan mo lang tandaan, huwag na huwag kang kakanta sa harap ng kalan.

Hindi mo kailangang kumanta habang nagluluto ka dahil magbibigay ‘yan ng kamalasan sa’yo. Ayon kasi sa pamahiin, maagang mamamatay ang mapapangasawa mo kung kumakanta ka sa harap ng kalan. Siguro naman ay hindi mo gugustuhin mong manyari iyon. Kaya ka nga nag-asawa ay dahil gusto mo maging happy habambuhay at hindi mangyayari iyon maaga kang nabiyuda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here