Pamahiin; KALENDARYO

0
431

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Maniniwala ka ba na maging ang mga kalendaryo ay may kakabit na pamahiin? Mahalaga sa atin ang kalendaryo. Noong panahon ng ating mga ninuno, ang araw at oras ay ibinabase lamang nila sa galaw ng tubig, buhangin, araw, buwan at mga bituin. Kaya masuwerte tayong nabubuhay sa panahon ngayon dahil isang tingin lang natin sa kalendaryo ay alam na agad natin kung anong araw at petsa na. Narito ang ilang paniniwala sa hiwaga ng kalendaryo na may kaugnayan sa pamahiin.

1.Automatic na sa ating paniniwala na kailangan na nating magpalit ng kalendaryo kapag natapos na ang  taon. Kaya naman pagpasok pa lang ng Disyembre ay iba’t-ibang disenyo na ng mga kalendaryo ang makikita nating ibinebenta sa kalye o kaya naman ay ipinamimigay ng mga establisimyento at ganon din ng mga pulitiko. Ang mga hindi naniniwala sa pamahiin ay excited na itong isasabit sa magandang pwesto sa kanilang bahay pero kung ikaw ay mapamahiing tao, hihintayin mo na magpalit ang taon bago mo ito isabit. Dahil malas daw magkabit ng kalendaryo kung hindi pa pumapasok ang bagong taon.

2. Huwag magsasabit ng kalendaryo sa likod ng pintuan lalo na kung ang pintuang ito ang main entrance ng inyong bahay. Dahil ayon sa pamahiin ay hindi magiging maganda ang mga araw mo at kakapusin ka sa pera kahit anong ipon at pagsisikap ang iyong gawin kung ito ay isasabit mo sa likuran. Mas mainam na ito ay isabit mo sa makikita ng tao upang ito ay makapag-anyaya ng suwerte sa bawat araw sa inyong tahanan.

3. Masamang punitin at sunugin ang kalendaryo. Sa mga unang panahon ay iginagalang ng mga sinaunang tao ang paraan kung paano nila natutukoy ang bawat araw at oras na lumilipas sa paniniwalang ito ay kaloob ng kanilang Bathala. Sa ating panahon ang paraang ito ay nasa papel na at tinatawag nating kalendaryo. Kaya naman ang pagpunit o pagsunog dito ay isang paglapastangan at pinaniniwalaang magdudulot sa atin ng kamalasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here