Pamahiin Kalapati: Mamalasin ang Pagsasama

Ang kasal ang matibay na pundasyon ng mag asawa kung nais nilang magsama sila sa habambuhay. Kaya lang bago sila tuluyang magsama, kailangan munang magkaroon ng goodluck upang mapagtibay ang pagsasama na iyon. Dahilan kaya nagsasaboy ng bigas sa mga ikinasal at bago sila tuluyang umuwi ay kailangan munang kumain. Ito ang tinatawag na reception.

Sa reception ay sasamahan kayo ng inyong kapamilya, kaibigan at ng mga taong malalapit sa inyo ng asawa mo na ipagdiwang ang inyong pagsasama, kaya naman sasabayan nila kayong kumain habang maligayang maligaya kayo ng mahal mo. Ngunit, sigurado ka nga bang magiging happy ka?

Matapos magsubuan ng cake ang mag asawa, pawawalan nila ang kalapati na siyang simbulo nina mister at misis. Kung gaano raw kataas at tagal mahuli ang kalapati ay ganu’n din katagal ang mga taong pagsasamahan ng mga ikinasal. Ngunit, may trahedya o matinding pagsubok na pagdaraanan ang mag asawa kapag may masamang nangyari sa mga kalapati.

Tulad na lamang sa nasaksihan kong pagbangga ng kalapati sa salamin ng reception ng kasal na pinuntahan ko nu’n. Nahilo ang kalapati dahilan kaya bumagsak sa sahig at agad siyang nahuli. Sa tingin ng marami, nagkataon lang kaya ang mister na iyon ay nagdaraan sa matinding pagsubok ngayon matapos ang dalawang dekada. Kaliwa’t kanan kasi ang kanyang utang tapos wala pa siyang regular na trabaho kaya tulad ng nangyari sa kalapati, siya ay bumagsak din pero nakaramdam lang naman siya ng pagkahilo. Ibig sabihin, makakabangon din siya dahil wala namang nangyari sa babaeng kalapati. At ngayon nga, ang kanyang misis ang kumikilos para maipagpatuloy nila ang kanilang laban.

Kung minsan talaga ay iisnabin mo lang ang isang pamahiin pero darating ang araw na mapapatunayan mo na may katotohanan ito. Ang kailangan mo lang talagang gawin ay maghintay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here