Pamahiin Isda: Pagdaloy ng Suwerte o Kamalasan?

Ang karaniwang alagang nakikita ko sa bahay at opisina ay goldfish. Marami kasi ang naniniwala na ang isda ay makapagbibigay ng suwerte kaya naman magiging daan ito sa kanilang pagyaman. Kaya naman maging ang mga kapatid ko ay nagpalagay ng aquarium sa kanilang bahay sa pag aakalang yayaman sila ng husto.

Ngunit, sa paglipas ng panahon ay napagtatanto ko na parang di epektibo ang pamahiin tungkol sa isda. Kahit kasi may aquarium si Kuya at nagpagawa pa ng mala falls si Sangko sa kanilang kainan, di ko nakita ang kanilang pag angat, para ngang mas lumulubog pa sila kaya ang hipag ko ay di napigilan ang magtanong sa mga taong may nalalaman tungkol sa feng shui.

So, ready ka na bang malaman kung saan sila nagkamali? Baka kasi tulad ng ginagawa nila ang ginagawa mo. Aba, need mo ‘yang baguhin.

Suwerte naman talaga ang paglalagay ng aquarium na mayroong goldfish kaso lang dapat ay ilalagay mo ito sa labas ng tahanan, di pwedeng sa loob ng bahay o mismong opisina mo, kung saan ikaw ay nakikipagtransaksyon ka maglalagay ng aquarium dahil aagos lang din palabas ang suwerte samantalang kung sa labas ka maglalagay ng aquarium, dadaloy papasok sa loob ng bahay mo ang suwerte.

O, sundin mo ito, ah.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here