PAMAHIIN; Ipis

0
227

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Takot ka ba sa ipis? Marami akong kakilala na super ang takot sa mga ipis. Yung tipong makita lang nila ay diring diri na at naninindig pa ang balahibo. Narito ang ilang pamahiin na may kaugnayan sa kinatatakutan nyong mga ipis. Alamin natin kung ano ang malas at suwerteng hatid nila.

1.Kapag ang mga ipis na nananahimik sa mga sulok sulok ng inyong bahay ay biglang nabulabog at nagliparan sa kung saan saang bahagi ng bahay, at naroong dumapo pa sa inyo, ito ay nagbabadya ng isang malakas na pag-ulan.

2.Kapag nakakita ka raw ng puting ipis sa loob ng inyong banyo, magpatabi-tabi ka dahil isa raw itong engkantadang ipis. Maaari raw nitong pasakitin ang paa mo kung siya ay iyong maaapakan.

3.kapag dinapuan ka ng isang ipis sa iyong balikat, isang kaibigan mo raw ang magtataksil sa’yo sa pmamagitan ng pagtsitsismis sa’yo sa iba.

4. Kapag naman ang ipis ay dumapo sa ulo mo, suwerte naman ang ihahatid nito sa’yo. Pwede mong bugawin pero huwag mong papatayin ang mensahero ng suwerte mo dahil mamamatay din ang suwerteng para sana sa’yo.

5.Masamang tapakan ang ipis lalo na kung ito ay sinasadya. Kung papatay ka ng ipis dapat mo itong gamitan ng tsinelas o ng ibang bagay at huwag ang sarili mong paa dahil ihahatid ka nito sa kamalasan.

6.Kung makakakita ka ng isang ipis na nakatihaya at hindi makabalik sa paggapang, tulungan mo ito at gagantimpalaan ka ng kanilang pinuno ng isang suwerte.

7. Masamang paglaruan ang ipis. Lalo na kung ito ay tatanggalan mo ng ulo at pakpak. Isusumpa ka ng kanilang pinuno at ito ay magdudulot sa’yo ng kapahamakan. Kaya kung napatay mo na dahil sa takot mo o dahil nakaperwisyo sa’yo, hayaan mo na lang ito at huwag ng paglaruan.

Ang mga nasabing pamahiin ay maaring paniwalaan at maaari rin namang hindi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here