Pamahiin Ipin: Tagal ng buhay

Kapag  maganda ang ngiti natin, tiyak na marami ang makakaramdam ng kasiyahan kapag  tayo ay nakita. Sigurado kasing gagaan ang kanilang  kalooban. Totoo naman iyon kaya talag ang  kailangan mo ring  pangalagaan ang iyong ipin.   Hindi naman magiging mahirap sa’yo na gawin iyon. Ang kailangan lang  naman ay magsepilyo ka palagi ng  ngipin, pagkatapos mo kumain.

Kung kalilimutan mo kasing magsepilyo palagi, malaki ang tendensiya na sumakit ang ngipin mo, sasama palagi ang  iyong pakiramdam. Makikita sa ekspresyon mo na mayroon kang pinagdaraanan kaya kung  di mo sasabihin agad ang  nararamdaman mo, maaaring  ang  mga tao ay mag isip ng  masama tungkol sayo.

May mga pagkakataon din na inakala natin na tutubo lang  ang ipin ng  sanggol kapag  lumipas na ang ilang  buwan pero di pala. May pagkakataon kasi na kahit kapapanganak pa lang  ng  sanggol ay mayroon na itong  ngipin. May nagsasabi na suwerte raw iyon. Kaya lang  may pamahiin na sinasabing , ang taong maagang tinubuan ng ngipin ay maaga ring mamamatay.

Sabihin man natin na di tayo papayag  na mauunang  mawala sa atin ang  ating  anak, di naman natin hawak ang ating kapalaran

Hindi man natin alam kung  hanggang kailan tayo sa mundong  ito, nakasisiguro naman ako na di mo rin gugustuhing mawala nang maaga. Ang  tanong  ko, kailan ka ba tinubuan ng  ngipin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here