PAMAHIIN; ILOG

Sa lugar na iyong tinitirahan, may natatanaw ka bang ilog O kaya ay may nadadaanan sa pag-alis at pagbalik mo ng bahay? Kung oo ang iyong sagot ay dapat mong malaman ang mga pamahiin na bumabalot dito.

1.May tinatawag na ilog na buhay at ilog na patay. Kung ikaw ay daraan sa ilog na patay, kailangan mong mag-alay ng kahit konting panalangin upang ang mga negatibong elemento na bumabalot na dito ay hindi ka pansinin at hayaang makaraan ng maayos.

2.Kung buhay naman ang ilog na iyong daraanan, kailangan mo lang magpatabi-tabi nang sa ganon ay hindi mo maagaw ang atensyon ng mga diwatang naninirahan dito. May mabubuti at meron ding mga salbaheng diwata na nananahan sa mga ilog at sila ang dapat mong iwasan.

3.Kung ang ilog ay pinagtapunan ng isang bangkay o kaya naman ay may nalunod dito, dapat mag-alay ng isang manok sa ilog at hayaang tumulo ang dugo nito at sumama sa agos. Ito ay upang wala nang sumunod dito.

4.Kung ikaw naman ay nanaginip na ang ilog ay nagkulay pula, ito ay nangangahulugan ng isang paparating na trahedya. Maaaring isang bagyo o lindol.

5.Kung ang napanaginipan mo naman ay itim na ilog, ang ibig sabihin naman ito ay isang kamatayan. Maaaring isa sa iyong mahal sa buhay o isang kakilala lamang tulad ng kapitbahay.

6.Kung ikaw ay lumipat ng bahay at ang iyong nalipatan ay malapit sa ilog o mismong nasa tapat nito, dapat kang mag-alay ng bulaklak sa ilog at paanurin ito bilang pagbibigay galang sa nagbabantay dito at pakikipagkaibigan na rin.

7.Huwag kang dudura sa ilog dahil makokopya ng engkanto sa ilog ang iyong katauhan at maaari siyang makapagpanggap na ikaw sa iyong pamilya o maging doppel ganger mo sa ibang lugar.

Ang mga pamahiing nabanggit ay maaaring may katotohanan at maaari rin namang wala. Ito ay depende na lang sa inyong paniniwala sa mga pamahiin. Gayunpaman, kailangan pa rin nating mag-ingat sa ilog upang maiwasan ang disgrasyang maaari nitong idulot sa atin kung hindi natin ito bibigyan ng halaga. Responsibilidad natin na pangalagaan at protektahan ang ilog dahil ito ay yaman ng kalikasan na ating napapakinabangan.

1 COMMENT

  1. Avatar NORIKO FUNAHASHI

    Excited po ako lagi na mabasa ang mga nilalaman ng inyong column……DREAMS MEANING, HOROSCOPE、PAMAHIIN ETC. MORE POWER PO MAESTRO……

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here