Pamahiin Ilaw: Para lumiwanag ang buong taon

Kung nais mong magkaroon ng maliwanag na buhay, ibig sabihin, wala kang mabigat na problemang dadalhin. Iyon nga lang, para namang napakaimposibleng mangyari iyon. Sabi nga, lahat naman tayo ay dumadaan sa matinding problema. Ang kailangan lamang ay malagpasan natin iyon.

Sa akin namang pagsasaliksik ay napagtanto ko ang isang pamahiin kapag sumasapit ang Bagong Taon. Kung talagang gusto mo raw makaiwas sa mabibigat na problema sa buong taon, kailangang tiyakin mo na ang bahay mo kapag sumapit ang unang araw ng taon ay maliwanag na maliwanag. Kaya, kailangan ay buksan mo ang ilaw ng iyong buong bagay.

Kapag nagawa mo ito, magiging magandang senyales iyon para sa buong isang taon ay magiging maganda ang iyong buhay. Maaari pang magkaroon ka ng pera na kalimitang nagiging kasagutan sa mga problema ng tao. Ang masuportantahan natin ang lahat ng pangangailangan natin. Ito rin ang magiging daan para ma-enjoy natin ng husto ang buhay. Kapag walang problema, masaya ang buhay.

Kaya, kung nais mong maging okay ang buhay mo sa Taong 2020, gawin mo ang sinasabi sa Pamahiin Ilaw. Huwag ka na muna manghinayang sa kuryente mo, ang isipin mo na lang ay ang suwerteng ipagkakaloob sa’yo kapag hinayaan mong nakabukas ang ilaw sa loob ng tahanan mo sa pagpasok ng Bagong Taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here