PAMAHIIN; Hapag Kainan

2904

Bata pa tayo ay marami na tayong naririnig na mga pamahiin na may kinalaman sa ating pagkain at sa hapag kainan. Karamihan dito ay hindi natin nasusunod at hindi alintana. Ating balikan ang mga pamahiin sa hapag kainan na nagmula pa sa ating kabataan.

1.Habang ikaw ay kumakain at nalaglag ang iyong ginagamit na kutsara, ang ibig sabihin daw nito ay may darating kang bisita at ito ay isang babae. Kung tinidor naman ang iyong nalaglag, ang bisitang darating ay isa namang lalaki. Habang ang nalaglag na kutsilyo ay isang bisita naman na traydor.

2.Kung ang maglalaglagan naman sa sahig ay mga mumo o mga butil ng kanin, iwasan mong ito ay iyong matapakan kung ayaw mong maghirap ng husto sa buhay.

3.Iwasan mo rin ang magpalipat-lipat ng upuan habang ikaw ay kumakain. Kung ito ang gagawin mo ay maaga kang mababalo. Ang pabago-bagong upuan ay tanda rin ng pabago-bago mong isip, isang indikasyon na hindi ka mapapanatag sa iisang relasyon.

4.Kung hindi pa tapos ang kasabay mo sa pagkain ay huwag ka munang tatayo. Kailangan mo silang hintayin na matapos ring kumain kung ayaw mo na may mangyaring masama sa kanila.

5.Kapag naman nataon na ang isang kasama nyo sa bahay ay kailangan nang umalis at kayo ay kumakain pa, paikutin nyo ng tatlong beses ang inyong mga pinggan upang siya ay malayo sa kapahamakan.

6.Kung minsan ay nakakatanggap tayo ng ulam mula sa kapitbahay o kaya naman ay handa nila na inihatid sa atin. Huwag mong huhugasan ang plato nila na pinaglagyan nito dahil hindi na ito mauulit at ang nagbigay ay magiging madamot.

7. Masamang pinaglalaruan ang pagkain. Ito ay isang sagradong biyaya na kaloob ng langit at dapat din nating respetuhin. Kaya kung ito ay paglalaruan mo o hahayaan mong paglaruan ng iyong anak, ang biyayang ito ay babawiin sa ibang araw.

8. Kung ikaw naman ay nakabasag ng baso o pinggan sa oras ng pagkain, ang ibig sabihin, isang mahal sa buhay ang nasa panganib o nadisgrasya. ffffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here