Pamahiin; HALAMAN

0
343

Maraming tao ang ang mahilig sa halaman. Kahit ako mismo. Bukod kasi sa nakakapagpaganda ito ng paligid at nakapagbibigay ng hangin ay nakapagpapayapa rin ito ng damdamin. Subalit alam nyo na ba na ang mga halaman na kinagigiliwan natin ay nababalutan din ng pamahiin? Kung hindi nyo po alam ay narito ang ilang paniniwala tungkol dito.

BASIL

Ang mga European ay naniniwala na ang sikat na halamang Basil ay isang banal o sagradong halaman. Naniniwala sila na ang Basil ay may kakayahang magprotekta sa may-ari ng bahay at sa bahay mismo mula sa masasamang espiritu. Ang tanging naaakit lamang ng Basil ay ang mabubuting espiritu.

MGA HALAMANG MAY TINIK

Ang mga halaman naman na may tinik gaya ng rosas at cactus ay sinasabi namang malas sa loob ng bahay. Ito ay pagmumulan ng away ng mga nakatira sa bahay lalo na sa mag-asawa. Simbolo rin ito ng hindi magandang pagkakaunawaan sa pamilya lalo na sa magkakapatid. Kung ito naman ay sa bakuran lamang itatanim, ang mga tinik nito ay magandang proteksyon laban sa masasamang espiritu.

NATUTUYOT NA HALAMAN

Kung minsan hindi natin maiwasan na may halaman tayo sa loob ng bahay na natutuyot dahil hindi natin naaasikaso. Kapag natuyot na ang halaman, dapat na agad itong itapon dahil kung pananatiliin pa ito sa loob ng bahay , ito ay pamamahayan ng masasamang espitiru na magdudulot sa atin ng kamalasan.

FIR

Hindi rin maganda ang magtanin ng halamang Fir sa loob man o labas ng bahay. May paniniwalang kung meron kang tanim nito, ang iyong buhay ay mananatiling hungkag o walang pag-asenso.

WEEPING WILLOW

Hindi rin kaaya-aya ang weeping willow dahil ito ay pinaniniwalaan na magdudulot ng kalungkutan at kasawian.

MGA HALAMAN NA MAY PABABANG SANGA

Kung ikaw ay magtatanim ng halaman, piliin mo ang may mga sanga na pataas at hindi pababa na tila nakayuko. Kung ito ay may nakayungyong na sanga, kasawian ang idudulot nito sa pamilya habang ang pataas ang sanga ay simbolo ng katuparan ng mga pangarap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here