Pamahiin Hakbang: Mga Dapat Tandaan

Watch your step. Ito ang kalimitan kong nakikita sa mall, sa may parteng escalator. Talaga naman kasing kailangan nating tingnan ang ating paghakbang dahil kung hindi maaari tayong maaksidente. Buti sana kung simpleng pagkakadapa lang, pero, paano kung mas malala pang aksidente? Sa simpleng pagkakatapilok mo kasi ay maaari kang mabalian ng buto o baka naman maging dahilan ito ng maaga mong kamatayan.

Bago pa ko tuluyang maging morbid sa artikulo natin ngayon, ibabahagi ko na lang sa inyo ang tungkol sa Pamahiin  Hakbang:   Mga Dapat Tandaan

Una, kapag hinakbangan ang bata habang nakahiga, Malaki ang posibilidad na di na siya lumaki kapag iyong hinakbangan. Kaya, kung mahal mo ang iyong kapatid o anak, hindi mo nanaisin na mangyari iyon sa kanya. Tiyak kasi na pagtatawanan siya kapag kulang ang kanyang sukat. Hindi naman siguro kaila sa’yo na sa mundong ito ay marami ang mapanghusga.

Pangalawa, kapag hinakbangan ng buntis ang kanyang mister. Naku, siguradong si mister ang magkakaroon ng morning sickness, Siya ang maglilihi, sa halip na ang kanyang misis. Para sa mga babae, mas maigi iyon para maramdaman naman ng mga kalalakihan ang hirap ng pagbubuntis.

Eh, ikaw, maaatim mo bang gawin ang paghakbang na ito sa taong malapit sa’yo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here